^

Para Malibang

Aswang family (10)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

GALAK na galak ang bad fairy. “Ha-ha-ha-haaa! Greco the Tikbalang, am’ pangit mo!”

Naging tikbalang na nga si Greco, humahalinghing, nagpa-panic sa harap ng misis at ng biyenang lalaki. “I-hii-hiiinnng! Ihi-hiiiinnngg!”

Napahagulhol na si Shalina, habag-gimbal sa sinapit ng bagumbagong husband. “Greco! Hu-hu-hu-huuu!”

Nanumbat ang masamang diwata. “Iyan ang napapala ng taong taksil sa pag-ibig!  Simula pa lang ito!”

Si Grecong tikbalang ay nag-aalma; nanipa na. KRASS. BLAGG.

Wasak ang dingding ng kubo.

Hindi makapagsalita sina Mang Sotero at Shalina, naunahan ng takot.

“Ikaw, Sotero—anong klaseng aswang ang gagawin ko sa ‘yo? Bading na version? ”

Nahagilap ng matanda ang dila. “Moderno kang diwata, Adwani, pero tonta ka pa rin!  Ni hindi mo alam ang tunay na kahulugan ng aswang!”

“Oh, nonsense, Tandang Sotero! Basta may sarili akong pakahulugan sa aswang!” salag ni Adwani, halatang nairita.

KRALAAG. Ang tikbalang ay tumalon na sa wasak na dingding ng kubo. Tinungo ang malawak na bukid.

Napahagulhol na naman si Shalina, habag na habag sa nangyari sa mister. “Tatang, gumawa ka ng paraan!  Hu-hu-hu-huuu!”

Si Shalina ang nabalingan ng bad fairy. “Gagang asawa ni Greco, anong aswang version ang gusto mong gawin ko sa’yo, ha?”

“W-wala po. A-ayoko po. Ibalik mo na po si Greco sa dating anyo.”

“Gagang tanga! Kayo ng tatang mo, magkaibang version ng aswang!”

SI GRECO ay nakarating sa gitna ng palayan. Patalun-talon pa rin bilang tikbalang.

Natataranta si Greco, naglalaho ang kanyang kamalayan bilang tao; sinasakop na siya ng pagiging alagad ng dilim.

Sinagasa niya ang kalapit na sagingan. Sipa-tadyak sa mga punong saging, kaliwa’t kanan. KRAAK. BRUKK. TADD.

Naliliwanagan siya ng bilog na buwan.

LUMUHOD na sa harapan ng bad fairy ang mag-amang Shalina at Mang Sotero. Nakikiusap nang husto. “Adwani, ako na lang. Huwag na ang anak ko…” 

(ITUTULOY)

 

vuukle comment

ADWANI

GAGANG

GRECO

GRECO THE TIKBALANG

HU

MANG SOTERO

NAPAHAGULHOL

SHALINA

SI GRECONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with