^

Para Malibang

Ang iyong dugo (15)

BODY PAX - Pang-masa

Maramihang Miyeloma - Ito ay isang bukol na kung saan ang isang magulang na selulang limpoyd, tinatawag na selula ng plasma, ay naiipon sa katawan, lalo na sa mga butas ng mga buto. Ang miyeloma ay isang bukol ng mga selulang karaniwan ay gumagawa ng panlaban sa sakit (antibody) at ibang sustansiya upang labanan ang impeksiyon. Maaaring alisin ng mga selula ng miyeloma ang calcium ng buto at palambutin ito. Magdudulot ito ng sakit at pagkabali ng buto, mataas na calcium sa dugo, anemya at pagbagsak ng bato. Ang kombinasyon ng radiation, operasyon at chemotheraphy ay nagdudulot ng mabuting resulta sa maraming pasyente sa loob ng mahabang panahon, at ang transplant ng ‘stem cell’ ay maaaring magpahaba ng buhay. Mayroon ding ilang mga hindi cytotoxic na agent na makapagpapabuti sa lakas ng buto at hadla­ngan ang pagkabali nito. Ang ibang agent, tulad ng thalidomide ay nagpapakita ng pangakong mahusay na gamot sa miyeloma.

Aplastik na anemya - Nagkakaroon ng aplastik na anemya kapag natigil ang paggawa ng lahat ng uri ng selula ng dugo sa bone marrow. Iba ito sa lukemya dahil ang depekto nito ay sa hindi paghihiwalay ng mga selula kaya nagiging magulang. Dahil dito ang bone marrow ay nagkakaroon ng mala­king bilang ng matatabang selula keysa sa mga selula ng dugo na gumagawa ng selula na dapat ginagampanan nito. Maaaring maapektuhan nito ang tao, kahit anumang edad ngunit mas nakikita ito sa mga taong ang edad ay sa pagitan ng 15 at 24, at higit sa 60 taong gulang. Ang sakit ay maaaring sa umpisa ay kahawig ng lukemya. Kasama sa mga panggagamot ang ‘immunosuppressive’ na gamot, transplant ng ‘stem cell’, pagpapasigla sa mga nagpapalago sa dugo at pagbuo ng tisyu na gumagawa ng mga anabolic hormone.

APLASTIK

DAHIL

KASAMA

MAAARING

MAGDUDULOT

MARAMIHANG MIYELOMA

SELULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with