2014 Chinese Horoscope
Last of 6 parts
Dragon (1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012)
Malamang na matupad na ang matagal na pinapaÂngarap lalo na sa mga Dragon na marunong magtiyaga at magsikap. Ngunit sa kabila ng success, manatiling mapagkumbaba upang hindi ka intrigahin ng mga inggitera sa iyong paligid. Sapat lang ang kikitain mo sa iyong paghahanapbuhay. Hindi ngayon ang tamang panahon na mag-expand ng business. Sa pag-ibig, may ‘conflicts’ na mararanasan. Maging mapagpasensiya at tanggalin ang pagiging mainitin ang ulo. Sa Female single Dragon, huwag kaagad maniwala sa pambobola o magandang porma ng bagong manliligaw. Baka umuwi kang luhaan dahil sa kanya. Iwasan ang dangerous sports (water activities) dahil malapit ka ngayon sa aksidente.
Snake (1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013)
Maganda ang iyong Money Luck. Marami ang magiging ‘raket’ mo kaya ipon-ipon lang kung may time. Huwag bulagsak sa paggasta ng pinaghirapan mong pera. Magiging exciting ang iyong love life. Maghintay ka lang na kiligin. Kaya lang sa kalusugan, pay close attention to your diet. Delikadong tumaas ang blood pressure, magkaproblema sa heart, at mata. Gynecological problems naman sa mga babaeng Snake. Iwasan munang mag-attend ng libing or lamay. Lalo itong nakapagpapahina ng energy.
- Latest





















