^

Para Malibang

‘Aswang family’ (1)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SA LUPANG Banal nagtatagpo nang lihim sina Greco at Shalina. Nagmamahalan sila, super.

Palihim ang kanilang pagkikita. Ayaw pa ng kanikanilang pamilya na sila’y maging seryoso sa pag-ibig; buong akala ay magkaibigan lamang sila.

“Shalina, narito na ako!” Tumatakbong palapit sa tagpuan si Greco, sa nakatagong kuweba sa gubat na sakop ng Lupang Banal.

“Kadarating ko lang, Greco. Mahigpit si Inay.”

Mapusok na nagyakap ang dalawang bagong tao; young adults na pareho pang naghahanap ng kapalaran sa ilalim ng araw.

“Oh, Greco, akala ko’y hindi na tayo magkikita…”

Ginagap ni Greco ang mga labi ni Shalina. Mainit silang nagsanib ng mga labi.

Dapit-hapon na, ang nalalabing liwanag ay sinamantala nila. Sila’y nagtalik kahit bawal.

Hindi ito ang una, ilang beses nang naganap kina Greco at Shalina ang dapat ay sa mga mag-asawa lamang.

Lagi namang nauulit ang kasunod na eksena. Parehong nahihiya sa kanilang  sarili sina Shalina at Greco; alam na hindi katanggap-tanggap sa lipunan ang bawal na pagtatalik.

“Haaah…lagi tayong nakakalimot, Greco…” napapailing, nakayukong sabi ni Shalina. “Bakit hindi kita matanggihan?”

“Shalina…kung susundin natin ang ating pamil­ya—makapagpapakasal lang tayo kung tayo’y 25 na…limang taon pa ‘yon, napakalayo pa…”

“Pareho kasi tayong takot na magkahiwalay, Greco. Kaya lagi tayong gumagawa ng mga alaala…kahit pa immoral…” Nagbihis na si Shalina, sakop na naman ng guilt.

LINGID sa dalawa, kanina pa sila pinapanood ng isang napakagandang nilalang ng kagubatan.

Nasusubaybayan nito ang ginagawa ng dalawa sa kuweba.

Siya si Adwani, isang diwatang napaka­lungkot. At may mahigpit na obsesyon. “Umiibig ako sa binatang tagalupa. Dapat ako ang ibigin niya.”

Gagawin ni Adwani ang lahat, maangkin lang si Greco.

(ITUTULOY)

vuukle comment

ADWANI

AYAW

BAKIT

BRVBAR

DAPAT

DAPIT

GRECO

LUPANG BANAL

SHALINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with