^

Para Malibang

Malamig na panahon, nakakawala ng ganang makipag- ‘sex’?

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

 Ang ating sex drive ay depende sa panahon.

Sinasabing kapag malamig ang panahon, nakakapagpapaba ito ng sex drive. Ngunit kung sobrang init naman ay nawawala rin ang mood sa sex. Ayon sa isang artikulo sa onlymyhealth.com, ang normal temperature ng isang tao ay 37degree Celcius.  Ang temperaturang mas mataas pa sa 27 degrees ay nakakapagpapawis at nakakasira ng mood sa sex.

Ang temperaturang malapit sa 5 degrees ay masyadong maginaw para makaisip na mag-sex.

Ang hormone na nag-i-stimulate ng sex drive ay tinatawag na Melanocyte Stimulating Hormone o MSH na may kinalaman sa regulation sa synthesis ng melanin na dahilan ng pagngingitim ng balat bilang proteksiyon sa UV rays. Ang “feel good” neurotransmiter na tinatawag na serotin ay mas maraming napro-produce sa utak tuwing summer at spring. Natuklasan sa mga pag-aaral na ang pagtaas ng “luminousity” ng araw ay nagpapataas ng produksiyon ng serotin. Kaya mas maraming “ganado” kapag maganda ang sikat ng araw.

Kapag malamig na, medyo nawawala ang sex drive dahil walang masyadong araw  na nagpapataas ng produksiyon ng serotin, ang hormone na nagpapataas ng sex drive. Dahil bumababa ang serotin, napapalitan ito ng melatonin na kabaliktaran ng nagagawa ng serotonin. Ang malamig na panahon ay ‘downer’ sa sex. Sa malamig na panahon din lalong tumataba dahil mas ginaganahang kumain.

 

AYON

CELCIUS

DAHIL

KAPAG

KAYA

MELANOCYTE STIMULATING HORMONE

NATUKLASAN

NGUNIT

SEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with