^

Para Malibang

‘Butas na lupa’ (53)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SA BAYANG karatig ng isla, sa palengke, pinakyaw na yata ni Doktora Nuñez ang lahat ng bagoong na hilaw.

Halos napuno ng timba-timbang bagoong ang pick-up ng magandang manggagamot.

Isinakay sa malaking bangka, dinala agad iyon sa isla-- sa Barangay Antukin. Nagtataka ang may edad nang boatman. “Doktora, ano nga ho ang gagawin n’yo sa bagoong? Pagkadami-dami naman.”

“Ipanlalaban ko sa mga nais sumakop sa atin, Mang Ompong.”

“Po?”

“Saka mo na malalaman, kapag may resulta na. Tara, iahon natin, dalhin natin sa sinkhole!”

“Singkol? Ano po ‘yon?”

“Mang Ompong, utang na loob ho, naghahabol ako ng oras! Napakalakas ng kutob kong pasalakay na ang mga kalaban!”

“O-Opo, opo, doktora! Tara na po sa sinasabi ninyong singkol!”

Saka lang naunawaan ng boatman na butas na lupa ng Antukin ang kanilang pinag-uusapan. Doon ipinalagay ng manggagamot ang maraming timba ng sariwang bagoong.

“Sarado na po ito, a. Wala na pong makapapasok at makalalabas.”

Itinuro ng doktora ang manhole sa takip ng sinkhole. “Nakausap ko na ang  chief engineer, may permiso na rin ako ng municipal mayor, Mang Ompong. Anumang oras ay darating sila—bubuksan sandali ang manhole.”

“At ano po ang mangyayari, doktora?”

Napangiti nang makahulugan si Doctora Nuñez. “Mang Ompong, maipaghihiganti na natin ang mga taong buhay na nilamon ng sinkhole na ‘to. Sina Mo­nica at Jake, si Chairman Domeng at mga tanod…

“Pati na daan-daang tao ng Antukin na nilulon ng butas na lupa…”

“‘Yun pong tinatawag ninyong singkol?”

Napabuntunghini­nga ang doktora. “Opo, sinkhole po.”

Kaytagal ng mga hinihintay. “Bakit sobra namang na-delay si Engineer? Siya mismo ang magpapabukas sa manhole, Mang Ompong.”

“Ibig n’yo bang sabihin, may mga kalaban sa loob ng butas?”

BRAAMM. Biglang nawasak ang kongkretong takip ng sinkhole. Gulat na gulat sina Mang Ompong at Doktora Nuñez.

Sumalakay na ang mga taga-ibang planeta. ITUTULOY

ANTUKIN

BARANGAY ANTUKIN

CHAIRMAN DOMENG

DOCTORA NU

DOKTORA

DOKTORA NU

MANG OMPONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with