‘Butas na lupa’ (49)
UMIIYAK na nagbihis ang magandang doktora, hindi pa rin makapaniwala na siya ay na-rape ng limang duplikado ni Jake.
“Hu-hu-huuu…tama si Jake, may mga clones na nagmula sa butas na lupa. Hindi lang si Monica ang naduplika kundi maging siya…â€
Hinang-hina si Doktora Nunez. Halos hindi makatayo.
Nakikiramdam siya. Saradung-sarado ang kanyang pad, walang palatandaang nakalabas na ang mga kaanyo ni Jake.
Nais niyang paniwalaan si Jake na ang mga duplikado ay hindi tunay na mga tao; na ang mga ito’y mga taga-ibang planetang nag-aanyong tao. “Ini-invade na kami ng mga aliens…â€
Kung ano ang hitsura ng mga aliens, walang nakaaalam; si Jake ay ang mga clones or duplicates lamang ang nakita.
Ganoon din siya, na-realize ni Doktora Nunez. Ang anyo ng mga taga-ibang planeta ay isang malaking lihim.
Napabuntunghininga ang doktora, paika-ikang siniyasat ang pad; baka nasa loob pa ang mga kaaway.
“Meron palang nakakita na sa anyo ng aliens,†bulong niya. “Sina Jake at Monica, kung narating nila nang buhay ang ilalim ng sinkhole.â€
“EEEEEEE!†malakas na sigaw ni Doktora Nunez, hindi makapaniwala sa nakita sa kusina.
May limang nakabulagta doon; hindi ang limang duplikado ni Jake.
Sa halip, ang nasa kusina ay ang limang creatures na nakakadiri. Nasuka ang doktora. “Parang giant snails! Guwaark!â€
Mga nilikhang kawangis ng susong Hapon ang nasa kusina, patay na!
SA ILALIM ng butas na lupa, nakatulugan na nina Jake at Monica ang pagod; hindi alam na lalong dumami ang nag-uusyoso sa kanila.
“Cunivizzi izzivinuc.†Sa lengguwaheng tao, ang sabi ng alien ay ganito: “Nakamamatay ang baho nila, kapag hindi estatwa.â€
SA PAD ng doktora, sinisiyasat na ng pulisya ang sanhi ng kamatayan ng mga aliens. “May kung anong pumatay sa kanila, hepe.â€
“Iyon nga ang dapat nating alamin, Doctora Nunez.â€
Napansin ang ayos ng mga patay. Nakatakip sa ‘ilong’ ng mga ito ang mga ‘kamay’. “May kung anong naamoy sila, hepe! Ang amoy na ‘yon ang pumatay sa kanila!†(ITUTULOY)
- Latest