^

Para Malibang

‘Butas na lupa’ (42)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“HINALAW mo lang ‘yang kuwento mong nag-apoy ang dila mo, dahil kuno sa halik, sa kantang ‘Kiss Of Fire’, di ba, bro?” nang-iinsultong sabi ng chief engineer kay Jake. “Sa totoo lang, nakakaistorbo ka na.”

Ipinagtanggol naman kahit paano ni Doktora Nuñez ang binata. “Mr. engineer, huwag ka namang ganyan. Photo-journalist itong iniinsulto mo, hindi kung sino lang tao.”

Umiling-iling lang ang mayabang na inhinyero ng munisipyo. “Basta tuloy ang pagtatakip namin sa butas. Bahala kayo sa paniwala ninyo. No comment na lang ako diyan.”

Inutos nito sa mga tauhan na ituloy na ang trabaho. Tatakpan nang tuluyan ang bunganga ng butas na lupa.

“Doktora, this is insane! Tuluyan nang makukulong sa ilalim si Monica!  Nadarama kong buhay pa siya!”

“Jake, may utos na sinusunod sina engineer…wala tayong pinanghahawakan na meron pang buhay na tao sa ilalim…”

Tumigas ang mukha ng binata. “At paano na si Monica, ha, doc? Pababayaan ko na lang hindi kami magkita forever?”

Nagkibit-balikat ang doktora. Ano ba raw ang kanilang magagawa? Legal ang gagawin ng engineering team.

“Hintay po, chief engineer! Tatanawin ko lang sa huling sandali ang loob ng butas! Magpapaalam ako kay Monica!”

Pinagbigyan naman si Jake; hinayaan itong sumilip sa bahaging hindi pa natatakpan ng concrete slab.

Nakadukwang sa butas si Jake, hirap ang kalooban.

Ang doktora’y kinakabahan; ang chief engineer ay nakokornihan sa arte ng binata.

“MONICA, HINDI KITA PABABAYAAN!” sigaw ni Jake, mula sa puso at damdamin.

Nakakabigla ang sumunod na ginawa ni Jake. “NANDIYAN NA AKO, MONICAAA!”

Bago pa namalayan ng lahat, nakalundag na sa butas na lupa si Jake.

Yanig sa pagkabigla ang doktora; ang chief engineer ay napaigtad, kinilabutan. Tanaw nito ang pagbulusok ni Jake sa napakadilim na butas.

Napaluha ang doktora. “Wala silang iwanan ni Monica.” ITUTULOY

 

 

 

vuukle comment

ANO

BAHALA

BUTAS

DOKTORA

DOKTORA NU

JAKE

KISS OF FIRE

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with