‘Massage’ (2)
Ang iba pang pisikal na banepis ng massage ay:
* Nakakabawas ng muscle tension
* Pinapabuti ang sirkulasyon ng dugo
* Pinasisigla ang lymphatic system
* Pinababa ang stress hormones
* Pinapataas ang joint mobility and fleÂxibility
* Pinapaige ang skin tone
* Pinapabilis ang paggaling ang pinsala ng soft tissue
* Pinapataas ang mental alertness
* Nakakabawas ng pagkabalisa at depresyon.
Iba’t ibang uri ng pagmamasahe: Karaniwang gumagamit ang mga nagmamasahe ng langis o kaya pulbo sa pagmamasahe para maging madulas ang kanilang mga kamay sa balat ng kanilang minamasahe. Gumagamit din sila ng piraso ng manipis na tela na pampadulas.
Aromatherapy – langis na nagmula sa mga bulaklak at halaman ay idinadagdag sa langis na pangmasahe para sa kanikanilang gamit panggamot katulad na lang ng mabangong sandalwood na ginagamit upang mabawasan ang nervous tension. (Itutuloy)
- Latest