House Number (2)
Kung kayo ay nakatira sa isang condominium o apartment building, ang susundin ninyong house number ay ang number ng unit na inyong tinitirhan at hindi ang address ng buong building.
House Number 4—Kung ikaw ay artist, hindi bagay sa iyo ang house number 4. Ito ay mas bagay sa mga mahilig sa math at computer techies. Ang mga tao dito ay sobrang malinis at maayos. Kaya kung ikaw ay burara at hindi mahilig maglinis ng bahay at niyayaya ka ng may-ari ng house number 4 na maki-share sa kanyang unit, please don’t. Kaaasaran ka lang.
House Number 5—Kadalasang ang naninirahan sa house number 5 ay mahilig mag-travel. Hindi sila matahimik sa isang lugar at gusto ay palipat-lipat ng lugar. Kung nais mong laging nasa bahay ang mga kasama, maglagay ka ng number 1 sa likod ng pintuan ng front door upang magbago ng ihip ng hangin (energy, actually) mag-total ito ng 6.
House Number 6—Nagtataglay ng loving and warm environment ang house number 6. Ang mga magulang ay maalaga sa kanilang mga anak. Kadalasan ay pinipili ng ina na maging full time housewife kaysa magtrabaho dahil ang priority niya ay ang kanyang pamilya. Kahit na may sariling pamilya at tahanan ang mga anak, sila ay bumabalik-balik pa rin sa kanilang ancestral house. Itutuloy
- Latest