^

Para Malibang

‘Butas na lupa’ (37)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

UMAAPOY nga ang dila ni Jake, matapos hagkan sa mga labi ang ‘Monica’ na nakaberdeng damit.

“Aaahhh! Aaahhh!” Nagsisisigaw si Jake, gimbal na gimbal; lagim na lagim. Hindi malaman kung paano ililigtas ang natutustang dila.

Ang tatlong ‘Monica’ ay nakatakbo nang muli, nakalayo kay Jake.

Si Jake ay nawalan ng ulirat, bumagsak sa maruming lupa ng eskinitang hindi matao.

Nakanganga siyang nakabulagta, wala nang apoy sa dila; hindi na umuusok ang bibig.

SA klinika ng isang doktora natauhan si Jake. Doon siya dinala ng isang nagmagandang loob.

Ang alam ni Jake, hindi niya maigalaw ang bunganga; ang dila niya ay super-hapdi, grabe ang kirot.

May benda siya sa bibig; latag ang katawan sa kama.

“Lapnos ang dila mo, nasunog ang bukana ng bibig. Ano ba ang nangyari, Jake ?”

Inabutan siya ng notebook at ballpen ng doktora, alam na hindi siya makapagsasalita.

“Bakit ninyo alam ang ngalan ko, doktora?” sulat ni Jake sa papel.

“May ID ka sa wallet.” Ipinakita ng doktora ang driver’s license ni Jake.  Naalala niya ang nangyari bago siya nawalan ng malay-tao.

“Mahirap paniwalaan, Doc. Baka isipin mong kandidato ako sa mental.” Nakaupo na si Jake sa kama.

“Meron akong  time na makinig, Jake. Ikuwento mo.”

Dinitalye ni Jake ang mga pangyayari, sa eskinitang hindi matao. “Nakorner ko ang tatlong babaing duplikado ni Monica, doctora.” 

Napatanga sa nakasulat sa notebook ang doktora.

“Are you sayang na may gumagaya sa original Monica?”

Isinulat muli ni Jake ang sagot. “Hindi gumagaya, tunay na duplicates, doc. As in…clones. Saktong duplicates ni Monica.”

 Tinitigan ng manggagamot ang binata, inarok kung ito’y nababaliw o kaya’y may sapak.

Sumulat pa si Jake. “Taga-media ako, doc. Merong sinkhole sa isla. Doon nagmula ng hiwaga.” ITUTULOY

 

 

 

vuukle comment

AAAHHH

ANO

BAKIT

DINITALYE

IKUWENTO

JAKE

SI JAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with