^

Para Malibang

‘Butas na lupa’ (36)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“SINO sabi ang tunay na Monica? Sagot!” galit na sigaw ni Jake sa tatlong Monicang ina­butan niya sa eskinita.

Nakatanga lang sa kanya ang tatlong dalaga.

“Natitiyak kong hindi ikaw!” sigaw ni Jake sa nakapula; ito ang naghagis sa kanya nang super-lakas. “Impostor ka ng girlfriend ko!”

Tinalikuran si Jake ng tatlo; hindi talaga mahulaan ni Jake kung sino ang tunay na Monica.

“Wait! Hintay!”

Tumigil ang mga ito. Humarap kay Jake. Nakangiting hangal pa rin; mga tipong wala sa mundo ang isipan.

“Monica?  Ikaw si Monica, di ba?” Sinambilat ni Jake ang nakadamit ng baby-yellow. Inamoy ang hininga nito.

Napaigtad ang binata, nayanig ang pang-amoy. “Aaaww!”

Super-baho ang hininga ng babaing naka-baby yellow. Imposibleng ito ang kanyang si Monica.

Dedma na naman ang tatlong Monica, wala nga sa mundo ang mga isipan. Lalong na-shock si Jake.

Unti-unting nagbabangon ang riyalisasyon ni Jake. Ang nakaberde ba ang kanyang si Monica?

“Monica?” Kinapitan niya ito sa magkabilang balikat. Kung sinumang kapangyarihan ang nagduplika sa kanyang Monica ay hinahangaan niya.

Grabe ang pagkakatulad ng tatlong babae—saktong tunay na carbon copy ni Monica.

“It must be you!” bulong niya sa nakaberde.

Inamoy ang hininga nito. Namangha siya.

“Amoy fresh mint! Napakabango!” Nais paniwalaan ni Jake na ito na nga ang kanyang Monica.

Walang babalang hinagkan niya ito sa mga labi. Sila ni Monica ay napapapikit kapag naghahalikan.

Unti-unting sinilip ni Jake ang dalaga, habang magkalapat ang kanilang mga labi.

Nakapikit naman ito, gaya rin ng kanyang Monica.

Pero bakit ang kanyang mga labi ay parang…nasusunog?

Nasusunog nga. Umaapoy. “Aaaahhh!”  (ITUTULOY)

vuukle comment

AAAAHHH

AAAWW

AMOY

DEDMA

INAMOY

JAKE

MONICA

UNTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with