^

Para Malibang

‘Wag muna mag-seryoso sa pag-ibig

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

I’m 15 years old. First time ko pong nakipag-bf. Pero isang araw lang po ang itinagal ng relasyon namin. Nalaman po kasi ng parents ko. Kinausap po ako at ang sabi po bawiin ko daw po ang “oo” ko dahil mas marami pa raw po akong makikilala kapag nag-college, na higit sa bf ko. Kaya nagpasya akong sabihin sa bf ko na maghiwalay na kami. Pumayag naman po siya nang walang pagdadalawang-isip. Nasaktan po ako kasi wala man lang siyang ginawa para mapigilan ako sa aking desisyon. Tapos palagi pa po niya akong nilalayuan. Kinakausap ko po siya na parang walang nangyari pero nakayuko lang po siya at hindi ako pinapansin. Bakit po ganun siya? Hindi po kaya niya ako mahal? Siya po ang first love ko at nahihirapan akong mag-move on. Paano ko makakalimutan ang taong lagi mong nakikita? - Libra

Dear Libra,

Huwag mong masyadong seryosohin ang nararamdaman mo dahil lilipas din yan. Lahat naman tayo ay dumadaan sa pagdadalaga o pagbibinata. At karamihan dito ay nagkaroon din ng kani-kaniyang first love. Pero hindi lahat ay nagkakatuluyan. Sa kabila nito ay masaya sa kasalukuyan nilang buhay. Tama ang pagsunod mo sa iyong magulang dahil malayo pa ang iyong lalakbayin sa buhay. Marami ka pang makikilalang lalaki along the way. At sa itinakdang panahon, makikilala mo rin ang nakalaan para sa iyo. Sa ngayon, ang pagtuunan mo ng iyong atensiyon ay mga bagay na kapaki-pakinabang, halimbawa nito ay ang nalalapit na pasukan. Sa ganitong paraan ay mawawaglit siya sa iyong isip at later on mare-realized mo na lang na nakalimutan mo na siya.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

BAKIT

DEAR LIBRA

DEAR VANEZZA

HUWAG

KAYA

KINAKAUSAP

KINAUSAP

LAHAT

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with