^

Para Malibang

In-love sa lady boss

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Toby, 24, working student. Ang problema ko ay na-inlove ako sa manager ko sa pinagtatrabahuhan kong fast food. Kalat na ito sa aming store, maliban sa kanya. Natatakot kasi akong magtapat sa kanya dahil mukhang alangan ako sa kanya. Bukod sa tapos na siya ng college, boss ko pa siya. Hindi rin siya yung tipo ng babae na mahilig makipagbiruan. Madalas mapapansin mo siyang seryoso sa kanyang mga ginagawa kaya mahirap i-approach. Matagal na akong nagbabalak na ligawan siya pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ito sisimulan. Sa palagay mo ba, walang magiging problema sakaling ituloy ko ang panliligaw?

Dear Toby,

Kung dalaga siya at ikaw ay binata, walang masama kung ituloy mo ang balak na panliligaw sa kanya. May kasabihan tayo na all is fair in love. Hindi ka naman siguro niya sisisantihin o ididemanda kung magpo-propose ka sa kanya ng maayos. Una sa lahat, alisin mo ang pagkatorpe. Tutal may ambisyon ka sa buhay kaya nga nag-aaral ka habang nagtatrabaho. Huwag mong isipin na alangan ka sa kanya. Magsikap ka at darating ang panahong mahihigitan mo siya. Kung sagutin ka niya ng oo, masuwerte ka at nakuha mo ang babaeng mahal mo. Kung hindi naman, huwag mo nang ipagpilitan ang sarili mo at humanap ng ibang may gusto rin sa iyo

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

BUKOD

DEAR TOBY

DEAR VANEZZA

HUWAG

KALAT

KANYA

KUNG

MADALAS

MAGSIKAP

MATAGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with