‘Butas na lupa’ (20)
NAHULAAN na nina Jake at Monica ang hahantungan ng mga taga-munisipyong tangay ng mahiwagang hangin—pabalik sa pampang.
“Jake…hinihigop ba sila ng…?â€
“Yes, Monica, sila ay hinihigop ng…sinkhole.â€
Nagsigawan ang mga taga-isla. “Pabagsak sila sa butas na lupa!â€
“Sila naman ang gustong kunin ng butas!â€
“Nakarma sila! Nakarma ang mga walang silbi!â€
“Aaaahhh! Aaahhh!†sigaw ng mga taga-munisipyo, nakikita ang kanilang babagsakan.
WHOMP. Shoot sa butas na lupa o sinkhole ang kinatawan ng mayor at ang tatlong pulis. Tila nilulon ng super-higanteng anaconda.
Parang itinulos sa kinatatayuan ang mga nakasaksi.
Si Monica na dapat sanay na ay napaduwal. “Gahaak—gaak.â€
“Monica, are you okay?â€
“No, Jake, I’m not okay,†luhaang sagot ng dalaga. “Wala nang saysay ang pagpatay ng sinkhole! Nakapanlulumo na! Dapat nang matapos! Dapat nang mapahinto!â€
Galit si Monica, mabilis na naglakad… palapit sa sinkhole.
“Monica? Ano’ng…?â€
“Jake, tutuklasin ko ang lihim ng sinkhole.â€
“H-ha?! Nababaliw ka ba? Mamamatay ka do’n!â€
“May mga bagay na worth dying for, Jake. Ibalita mo sa mundo na ako’y tumalon sa sinkhole—para alamin ang katotohanan…â€
“Oh my God, Monica, don’t do this to me!â€
“Paalam, Jake!â€
Tumalon si Monica sa butas na lupa. Parang swimmer na nag-dive sa misteryosong swimming pool.
“Monicaaa!†hanggang sigaw lang ang nagawa ni Jake.
At hagulhol. “Hu-hu-hu-huu. Monica…â€
Napapailing ang mga taga-isla, hinayang na hinayang kay Monica.
“Bakit mo pinayagan, bro? Anong klaseng nobyo ka?â€
Sising-sisi si Jake. Dapat, sapilitan niyang pinigil si Monica. ITUTULOY
- Latest