^

Para Malibang

‘Butas na lupa’ (19)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“HUWAG na kayong babalik dito, mga walang silbi!” sigaw ng mga survivors  sa mga taga-munisipyo; sakay na ng bangkang de-motor ang mga ito, palayo na sa isla, pabalik na sa bayan.

“Bahala kayo sa buhay n’yo! Idedemanda namin kayo ng harassment at frustrated homicide!” sigaw-sagot ng kinatawan ng mayor.

Saglit pa’y mabilis nang tumatakbo ang motorboat. BRRRR. Sina Jake at Monica ay nagpaiwan, hindi maatim makisakay sa mga taga-munisipyo na maling-mali ang diskarte.

“Jake, napaka-insensitive ng mga taong ‘yon. Hindi nila dapat binabalewala ang nangyayari dito.” “I’m sure hindi ganito ang instruction sa kanila ng mayor. Kadalasang ang mga tauhan ang sumisira sa punong-bayan, Monica.”

MALAPIT na sa laot ang mga taga-munisipyo nang umiba ang timpla ng mga alon.

Brrrorr. Brrorr. Hirap na hirap sa pagsalunga sa alon ang bangkang de-motor. Ang dagat ay parang nababaliw sa kinalalagyan nila.

“Ano’ng nangyayari, manong boatman?”

“Bossing, ewan po. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong gawi ng dagat! S-sa tapat lang po natin, payapa sa banda roon!” Natatanaw sa pampang ng isla ang nangyayari sa laot, sa kinaroroonan ng mga taga-munisipyo.

“J-Jake, isinasa­yaw sila ng mga alon!  Doon lang naman!”

“Shit!  Kung kailan wala tayong kamera! Bakit minalas na pati mga kamera natin ay tinangay ng mahiwagang tsunami!”

Ang hinala ng magkasintahang photo-journalists, kagagawan na naman ng butas na lupa ang nagaganap sa laot ng dagat.

Malapit nang itaob ng nagsasayaw na alon ang bangkang de-motor. Natataranta ang mga taga-munisipyo. “Manong, gumawa ka ng paraan! Patay ta­yong parepareho kapag nilamon tayo ng dagat!”

HUWUUNNGG. Kaylakas ng tunog ng kakaibang hangin. Super-lakas ito. Humihigop.

“Aaaahhh1” Tinatangay ng hangin ang mga taga-munisipyo, paitaas!

Pabalik sa isla ang mga ito, inilipad nang tuluyan ng hangin.

Naiwan sa motorboat ang manong na boatman; parang sinadyang iwasan ng mahiwagang hangin. (ITUTULOY)

 

 

               

vuukle comment

ANO

BAHALA

BAKIT

BRRORR

BRRRORR

HIRAP

SINA JAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with