^

Para Malibang

Nami-miss ang ‘friend’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa pangalang Neth. May kaibigan ako at matagal ko na siyang kilala dahil kapitbahay namin siya. Matanda siya sa akin ng 5 years. Sa isang okasyon na magkasama kami ay nag-propose siya sa akin. Ewan ko ba pero ang feeling ko ay parang niloloko lang niya ako kaya nagalit ako. Mula noon umiwas na ako sa kanya at hindi na rin siya pumupunta sa aming bahay. Noong isang taon, umalis siya papuntang Canada. Wala na kaming komunikasyon hanggang ngayon. Sa totoo lang ay nami-miss ko siya. Ano kaya itong nararamdaman ko? Mahal ko na kaya siya?

Dear Neth,

Kung may kamag-anak pa siya o kaya’y kaibigan sa Pilipinas, pwede silang makatulong para malaman mo ang address ng iyong kaibigan sa Cana­da. Siguro, siya man ay nag-aalangang makipag-ugnayan sa iyo dahil nagalit ka sa kanya. Sinubukan mo na ba siyang i-search sa mga social networking gaya ng Facebook? Sa panahon ngayon ay madali nang mahahanap kahit pa long lost friend. Siguro naman, kung magso-sorry ka ay mauunawaan ka niya sa ginawa mo dahil nga itinuring mo siyang parang kapatid at hindi mo naman batid na may lihim pala siyang pagtatangi sa’yo. Pero hindi mo rin namang puwedeng ikagalit ito sa kanya dahil nagsasabi lang siya ng kanyang totoong damdamin.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

CANA

DEAR NETH

DEAR VANEZZA

EWAN

FACEBOOK

ITAGO

MATANDA

SIGURO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with