^

Para Malibang

‘Closet Queen’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Pakitago mo na lang ako sa alyas “Closet Queen”, may asawa at 2 anak. Nasa high school pa lang ako ng maramdaman kong nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki. Pero sinupil ko ang aking damdamin. Pinilit ko ang aking sarili na umibig sa kababaihan. Katunayan naka-4 din akong gf bago ako nagpakasal sa aking misis ngayon. Sa edad ko na 30-anyos, hindi ko naranasang makipagrelasyon sa kapwa ko lalaki. Pero pakiramdam ko’y nasa madulas na gilid ako ng isang bangin na maaaring mahulog ano mang oras. Kasi’y may attraction din sa akin ang kapwa ko lalaki lalo na kung guwapo. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Closet Queen,

Isipin mo na lang na tumagal ka na napaglabanan mo ang iyong damdamin, ngayon ka pa ba bibigay? Isipin mo ang iyong pamilya. Maligaya kayong nagsasama sa loob ng matagal na panahon, pababayaan mo ba itong mabawasan sakaling ikaw ay mahulog sa bangin? Patnubay na rin ng Diyos ang sumasaiyo kaya nakakaya mong paglabanan ang iyong damdamin kaya ipagpatuloy mo ang iyong katatagan.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

CLOSET QUEEN

DEAR CLOSET QUEEN

DEAR VANEZZA

DIYOS

ISIPIN

KASI

KATUNAYAN

MALIGAYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with