^

Para Malibang

Level ng Alcohol sa Iyong Katawan

BODY PAX - Pang-masa

Last Part

Anu-ano ang senyales at sintomas ng mga taong na lason sa sobrang pa-inom?

Kahit ang isang tao ay huminto na sa pag-inom ng alak, ang kanyang BAC ay patuloy na tumataas ng trenta hanggang kuwarenta bawat minuto, na magreresulta sa pagtindi ng sintomas kapag ang isang tao nakainom na ng marami higit sa normal nitong dapat inumin.
Narito ang ilan sa mga sintomas at senyales na may pagkalasong nagaganap sa isang taong nasobrahan sa pag-inom.

Pagkalito Confusion

Hypothermia (pagbaba ng temperature ng katawan ng tao)

Pamumutla ng balat, minsan nangangasul ang kulay

Hindi tumutugon sa anumang sinasabi pero may malay-tao

Hinimatay

Hindi normal na paghinga

Mabagal na paghinga

Pagsusuka

Sa seryosong kaso nito ang paghinga ay maaring huminto, ang atake sa puso ay maaring mangyari, maaari ring mabulunan sa sarile nitong suka at maaring masinghot nito patungo sa baga na magreresulta sa panganib sa buhay ng taong nasobrahan at nalason sa alak. Ang pagbaba rin ng temperature ng katawan dulot ng sobrang pag-inom ay mapanganib din sa buhay ng tao. Ang taong nawalan ng fluids sa katawan (severe dehydration) ay maaaring mapinsala ang utak. Kapag ang blood glucose ay bumaba sa normal nitong libel ay maaaring magkombulsyon. Kapag ang pagkalason sa alak ay malala maaaring humantong  sa coma at maging sa kamatayan nito.

Mga paunang lunas sa mga taong nalason sa alak dulot ng sobrang pag-inom

Panatilihing gising

Panatilihing nakaupo at huwag pahigain

Kung may pagkakataon painumin ng tubig

Kapag ang tao ay walang malay iposisyon sa recovery position at alamin kung siya ay humu­hinga pa

Huwag painomin ng kape dahil ito ay maaring magpalala

Huwag nang bigyan o painumin pa ng alak

Paglakad-lakarin muna

ANU

HINIMATAY

HUWAG

KAHIT

KAPAG

LAST PART

MABAGAL

PAGKALITO CONFUSION

PANATILIHING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with