^

Para Malibang

Sugarol ang misis...

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa alyas Oblak, 45 anyos at may asawa. Wala akong maipipintas sa aking misis dahil matagumpay siyang negosyante. Pero isang bagay lang ang inaayawan ko sa kanya at hindi ko siya mabago sa pagkaloko niya sa slot machine. Hindi ako sugarol pero napipilitan akong pumasok sa casino kapag susunduin ko siya. Ilang beses na naming pinag-aawayan ang kanyang pagsusugal hanggang sa sumuko na ako. Palibhasa’y mas malakas siyang kumita sa akin. Pero sana, mas maginhawa ang buhay namin kung hindi siya natatalo sa sugal na ito? Ano ang dapat kong gawin para mabago siya?

Dear Oblak,

Hindi ko alam kung gaano kalubha ang pagsusugal ng iyong misis. Pero talagang masamang bisyo ang casino. Mayroong iba na ginagawa lamang itong libangan at may control sa sarili. Pero mayroong iba na talagang hindi tumitigil hangga’t hindi nauubos ang pera sa lukbutan. Kung hindi pa naman nagkakasanla-sanla ang inyong mga ari-arian ay hindi pa marahil ito malubha. Ngunit hihintayin mo pa bang umabot kayo dyan? Muli mong kausapin ang iyong misis at kung hindi pa rin siya mapahinto, posibleng dumaranas na siya ng ludomania, o pagkahumaling sa sugal. Kung magkagayon, baka kailangang dalhin mo na siya sa psychologist o psychiatrist para magamot.
Sumasaiyo,

Vanezza

ANO

DEAR OBLAK

DEAR VANEZZA

ILANG

ITAGO

MAYROONG

MULI

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with