^

Para Malibang

‘Butas na lupa’ (11)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“BABABA na ba tayo, Jake? Is it safe?” Nasa itaas ng punong niyog sina Monica at Jake; doon sila nakaakyat nang rumagasa ang super-lakas na malalaking alon mula sa dagat.

Bago ito, nasaksihan ng magkasintahan at ng iba pang nakaligtas ang pagbulusok sa sinkhole ng mga taong inaanod. Kaydami nang buhay ang biniktima ng mahiwagang butas na lupa.

“May kung anong masamang puwersang nasa sinkhole, Monica. Natitiyak ko nang gawa lahat ng sinkhole ang nagaganap na trahedya…” Napapailing si Jake.

“Paano ‘yan? Alangan namang hindi tayo bababa. Dapat tayong makatakas sa islang ito—bago tayo naman ang lamunin ng sinkhole.”

“Ako ang mauuna sa pagbaba, Monica. Susunod ka, kapag nasa ibaba na ako’t safe, then dalawa tayong tatakbo sa malayo.” Nagpapakahinahon si Jake. “Hindi tayo dapat abutin dito ng gabi.”         Sa ibaba, nakita nila nang malapitan ang pinsalang idinulot ng biglang tsunami; nagkalat ang mga wasak na bahay; naghambalang ang mga aso at pusa at baboy na nangalunod.

Wala nang camera at cell phone sina Monica at Jake; ang lahat ng nasa backpack nila ay tinangay na ng agos. “Jake, this is hell…my God, bakit nangyari ito?” Humahagulhol si Monica habang tumatakbo sila ni Jake, ewan pa kung saan pupunta. Kasunod nilang  naghahanap din ng kaligtasan ang mga kapwa-survivors. Tulad nila’y tulirung-tuliro ang mga ito; hindi alam kung ano ang uunahin—kung maghahanap ng mga bangkay o ililigtas  ang mga sarili.

Gayunma’y nanaig ang takot sa kamatayan. Uunahin nila ang kaligtasan sa tila isinumpang lugar. MAKARAAN ang ilang oras na payapa na ang sinkhole at ang paligid, nagsibalik na sa disaster area ang mga taga-Barangay Antukin.

Maghahanap sila ng mga kaanak; titingnan kung may maisasalba pa sa mga nawasak na ta­hanan.  Dinig nina Jake at Monica ang hagulgulan at hinagpis ng mga survivors. “Hu-hu-huuu. Wala na sina Tatang at Nanang! Wala na rin ang aming bahay!” “Nene! Nasaan ka na, anak? Hindi kita nailigtas kanina! Nais ko nang mamatay, anaaak!” (ITUTULOY)

 

 

 

ALANGAN

BARANGAY ANTUKIN

DAPAT

DINIG

GAYUNMA

JAKE

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with