^

Para Malibang

‘Butas na lupa’ (10)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“TSUNAMIIII!  Magsilayo kayo sa dagaaaat!” sigaw-babala ni Jake sa mga taong nasa baybayin.

Ang boatman na magsasakay sana kina Monica at Jake ay nauna pang tumalon sa katihan. Obvious na hindi ito sanay sa ga-higanteng mga alon na ‘sing-tataas ng poste ng kuryente.

Nakitakbong palayo din sa baybayin sina Monica at Jake.

“Eeeee! Hu-hu-hu-huuu! Dito na siguro tayo mamamatay! Eeee!”

“Huminahon ka, Monica! Takbo nang takbooo!”

“Bakit biglang buhos din ng napakalakas na ulan, ha?” Nagpa-panic si Monica, ayaw huminahon.

“Just calm down, Monica! Please! Basta tuloy ng takbo!”

Rumagasa na ang alon, sumalpok sa katihan, lalong lumakas ang puwersa. Masahol pa ito sa storm surge.

Parang naulit dito ang nangyari sa Japan. Ang tubig ng dagat ay sumagasa sa mga bahay at buhay at lahat ng bagay.

Narating ng malupit na daluyong ang sentro ng Barangay Antukin—hanggang sa sinkhole o butas na lupa. SWOOOSSS.

“Aaaahhh! Eeeee!” walang patlang na sigawan-tilian ng mga taong ina­anod; may mangilan-ngilang mabilis na nakaakyat sa mga puno ng niyog, mga nakaligtas.

Kabilang sa mapapalad sina Jake at Monica.

Nasaksihan ng mga ito ang kalagimang nakapagtataka.

“J-Jake…b-bakit saktong hanggang sinkhole lang ang ragasa ng tubig?  B-Bakit nahigop lahat ng sinkhole ang tubig ng tsunami?”

Parang walang katapusan ang ‘bakit’ ni Monica. “Bakit ang mga taong inanod ay na-shoot lahat sa sinkhole?...Bakit biglang-bigla ang malakas na ulan, na bigla ring tumigil?”

Biglang nagbalik ang sikat ng araw, gumanda na naman ang panahon. Parang walang trahedyang nangyari.

Iling nang iling si Jake habang nakakapit pa rin sila sa itaas ng niyog. Wala siyang maisagot sa napakaraming ‘bakit’ ng nobya.

Sa ibaba, tanaw nila ang sinkhole. Alam ng mga nakaligtas na napakaraming tao—patay man o buhay—ang ‘nilamon’ na naman ng butas na lupa.  (ITUTULOY)

 

 

               

 

                 

             

vuukle comment

AAAAHHH

ALAM

B-BAKIT

BAKIT

BARANGAY ANTUKIN

EEEEE

MONICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with