^

Para Malibang

‘Butas na lupa’ (8)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“HINIHIGOP ako ng butas, Tserman! Saklolooo!” hambal na sigaw ng barangay-tanod. Kitang-kita nina Monica at Jake at Chairman Domeng ang nangyayari.

Para silang napako sa kinatatayuan.

“Imooo! Diyuskupo, Imooo!” sigaw ng chairman.

Nakabawi ito, tinangkang daluhan ang tanod. “Imo, nandiyan na ‘ko!”

“Chairman, huwag po!” sigaw ni Jake; maging si Monica ay nais pigilin ang punong-barangay. “Tserman, delikado hooo!”

Naulit ang nangyari, si Chairman Domeng naman ang hinigop ng sinkhole o butas na lupa.

Nakakikilabot  ang hugong. Huuuuppp. Swuuupp.

Nakaririndi  ng utak ang hiyaw ng matandang lider bago tuluyang naglaho. “Huwag po ako! Huwag pooo! Iyaaahhh!”

“Oh my God! Oh my God, Jake!”

“May masamang puwersa sa sinkhole, Monica! Takbooo!” Hinila na ni Jake ang kasintahang histerikal na. “May bad force, wala tayong laban!”

Nagtakbuhan ding palayo ang mga nakasaksi sa dalawang insidente; takot na takot.

“Eeeeee! Baka tayo naman ang higupin! Eeeee!”

Datingan ang mga kalalakihan. Matatapang na nagsilapit sa sinkhole, ewan kung sasaklolo kina Chairman Domeng at Imo, o mag-uusyoso lang.

Parehong maling dahilan. Ang mga ito naman ang biglang hinigop ng sinkhole o butas na lupa. Huuuppp. Swuupp.

Hindi man lang nakapalag ang kalalakihan. Para silang hinigop ng napakalaking vacuum cleaner.

Natanaw iyon nina Jake at Monica at ng iba pang nagsilayo sa sinkhole. Sagad na lagim ang nadama nila, na hindi na sila maka-react pa.

Ilang sandali ring sila ay parang natulala; nakatanaw lang sa butas na lupa na payapa na—tahimik na tahimik na.

“Jake, marami nang tao ang nasa loob ng sinkhole…” huma­hagulhol na sabi ni Mo­nica sa boyfriend.        

Hindi nakahanda ang magkasintahang photo-journalist, hindi nila nagawang kunan ng litrato ang biglang kababalaghan.

“Ire-report natin ito agad sa kinauukulan, Monica, kahit wala tayong supporting photos.”  ITUTULOY

               

vuukle comment

CHAIRMAN DOMENG

DATINGAN

DIYUSKUPO

EEEEE

HUWAG

IMO

IMOOO

TSERMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with