Nasa huli ang pagsisisi..
IDAING MO KAY VANEZZA
Dear Vanezza,
Itago n’yo na lang po ako sa pangalang Ogie, 25, binata. Nang makulong ako ay saka ko ganap na naunawaan ang halaga ng pagsunod sa magulang, sa batas ng lipunan lalo na sa ating Panginoon. Marami po akong kabarkada na madalas kong kasama sa mga gimik. Kahit sinasaway ako ng aking mga magulang sa gabi-gabi naming happenings ay balewala lang sa akin. Kapag nakainom na kami maingay, nagdidiskusyon, tuksuhan. Pero ang huling hapi-hapi namin ng aming barkada ay siya pa lang magdadala sa amin sa bilangguan. Nagkainitan kami habang nag-iinuman hanggang sa magbunot ng patalim ang isa sa amin. Nakasaksak siya ng isa sa aming kasama. Nadawit ako sa demanda at kasama sa nakulong. Nagdulot ito ng matinding sama sa aking kalooban. Kapos sa pera ang aking pamilya kaya bihira nila akong madalaw. Sa loob ay naging aktibo ako sa mga gawaing ispiritwal. Naibsan ang lahat ng bigat, sama ng loob at galit na namamahay sa aking puso. Sa pagbabalik-loob ko sa Diyos at pag-aaral ng Kanyang mga Salita ay nakita ko ang kahalagahan ng buhay. Ngayon po ay humaharap ako sa panibagong buhay. Pinagsisihan ko rin ang aking mga kamalian.
Dear Ogie,
Gaano man karami ang iyong mga kaibigan, may pagkakataon na kailangan nating piliin ang mga sasamahang grupo para makaiwas sa gulo. Hindi masama ang makipag hapi-hapi pero kailaÂngang kontrolado ang pag-inom lalo na’t nasa labas kayo. Ituloy mo ang pagiging aktibo sa gawaing ispiritwal kahit wala ka na sa piitan. Ipagpatuloy mo rin ang naunsyaming mga pangarap sa buhay na pansamantalang nabansot dahil sa naging karanasan mo. Hindi pa huli ang pagbabago sa isang taong nagnanais tumahak dito.
- Latest






















