Madalas ka bang bangungutin? Last Part
Kailangang huwag magpa-panic kapag nakaranas ng masamang panaginip at naramdaman ang mga palatandaan ng sleep paralysis o mala-bangungot na takot. Sikaping huwag mag-panic, bagkus ay magdasal, at mag-meditate hanggang sa ma-relax ang ating katawan.
Tandaan din ang mga ibinigay na paalala:
Huwag matulog nang pagod at busog lalo na kung heavy ang kinain, o kaya ay may noodles (humihilab daw kasi ito). Hangga’t maaari sana ay huwag na lang kumain nang marami. Magpalipas ng at least dalawang oras bago matulog.
Ipinapayo ng mga manggagamot ang pag-iwas sa mga pagkain ng karne (red meat), butter at eggs at matataas sa fats (taba, prito) lalo na kung may problema sa apdo; lalo’t higit kung malapit nang matulog! Umiwas din sa pag-inom ng nakalalasing na inumin tulad ng alak na maaari ring pagsimulan ng problema sa lapay. Maging matalas kapag may naririnig na pag-ungol mula inyong katabing natutulog. Gisingin nang dahan-dahan upang ito ay hindi maalimpungatan.)
Kapag hindi ito magising agad at tila walang pagkilos, mabilis na dalhin sa pinakamalapit na hospital. Mabilis na ikut-ikutin at masahihin ang mga hinlalaki sa paa ng binabangungot upang ang dugo ay mabuhay at makarating agad sa puso na ikano-normal ng pagtibok nito.
Ayon sa turo ng mga nakatatanda, maabuting iupo ang binabangungot na ang mga tuhod ay itatapat sa may dibdib at sabayan ng mabilis na pagmasahe sa mga daliri ng paa upang dumaloy ang dugo sa buong katawan at makarating sa puso.
- Latest