Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na ang salitang “tamarind†ay mula sa Arab expression na ang ibig sabihin ay “Date of Indiaâ€. Ang tamarind ay orihinal na nagmula sa Africa, pero mas dumami ito sa India, kaya naman mas pinaniwalaang dito ito tunay na nagmula. Ngayon naman ay malaki ang produksiyon nito sa Latin America. Ginagamit din noon ang tamarind bilang panlaban sa mga kaaway matapos na ipalunok ng Malabar pirates ang kinatas na tamarind na may halong tubig- dagat sa mga kaaway nito, kaya naman halos mamatay sa kakasuka ang kalaban ng mga ito at mailabas ang nilunok at ninakaw na perlas ng mga ito. Ito ay ayon kay Marco Polo.
Tanging 3% lang ng mga hayop ang may-roong backbone o spine. Ang pinakamaliit na buto sa katawan ng tao ay ang “stirrup boneâ€.
Ang butong ito ay matatagpuan sa loob ng tenga. Mas maliit pa ito kumpara sa butil ng bigas.
- Latest