Naguguluhan kung sino ang pipiliin...
Dear Vanezza,
I’m Ms. Aries from Caloocan. Nakikipagbalikan po sa akin ang ex ko. Mahal ko pa rin s’ya at sabi rin naman po n’ya na mahal rin n’ya ako at ramdam ko naman po ‘yun. Hindi ko po alam kung dapat ko pa ba siyang sagutin dahil ayaw ko po siyang saktan. Mahal na mahal ko po s’ya ngunit ayaw ko naman pong suwayin ang mga magulang ko dahil pinagbabawalan po nila akong mag-bf. Ngayon nangungulit s’ya sa akin. Hindi ko po alam kung anong gagawin ko. Ang sabi n’ya gagawin n’ya raw lahat para sa akin. Liligawan n’ya ako sa bahay kung kailangan. Ano pong gagawin ko?
Dear Ms. Aries,
Kung mahal ka ng iyong ex, willing siyang maghintay hanggang sa panahong malaya na kayong magkaroon ng relasyon. Dapat mo ring maintindihan na kaya tutol ang iyong magulang na makipag-bf ka ay dahil bata ka pa at ang nais nila’y makapagtapos ka muna ng pag-aaral. Huwag kayong magmadali. Mas mabuti kung makikilala muna n’yo ang isa’t isa. Pero kung talagang mapilit ang iyong ex na ligawan ka sa bahay, gawin n’ya ito. Maaaring ikatuwa pa ito ng iyong magulang sa halip nga naman na sa kalye kayo nagliligawan. Daan din ito upang ipakita n’ya sa pamilya mo na tapat ang kanyang layunin sa’yo. Nasa magulang mo na kung paano nila tatanggapin ang iyong ex at saka mo pa lang din malalaman kung aprub ba sa kanila o hindi na mag-bf ka na.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest