^

Para Malibang

10 Paraan Para Maalagaan ang Atay (4)

BODY PAX - Pang-masa

6. Regular na i-Detoxify ang ating katawan

Ang atay (kasama na ang kidneys, blood, bowel, lymphatic system at balat)  ay tumutulong para tanggalin ang mga kemikal na maaaring makalason sa ating katawan sa pamamagitan ng ating pawis, ihi, at tae.

7. Mag-ingat sa mga iniinom na gamot

Ang pag-inom ng maling doses ng gamot, matagal na pag-inom, paghalo ng iba pang substance, katulad ng alak at iba pang gamot ay maaring makapinsala sa ating atay. Ang Acetaminophen (brand name ng Tylenol) ay isang notoryus na pa­nganib sa ating atay, ang pag-overdose ng gamot na ito ay maaaring maging sanhi ng acute liver health failure. Sa katunayan kahit tama ang paggamit ng acetaminophen ay maaaring maging sanhi ng liver enzymes na tumaas ng tatlong beses sa normal nitong limit, senyales na posibleng napinsala  ang ating atay. May ilang pasyente na walong beses na mataas ang lebel ng enzymes sa normal na lebel nito.   Laging isa-isip na kailangan nating mag-ingat sa lahat ng gamot na ating iniinom. Kailangan may tamang reseta sa pagbili ng gamot na kagaya ng Tylenol upang makaiwas sa tiyak na kapamahakan at pagkapinsala ng ating atay.

8. Regular na pag-eehersisyo

Ang regular na pag-eehersisyo ay napakainam na mapababa ang panganib sa pagkakaroon ng fatty liver disease, hindi lang sa pagmementina ng magandang pangangatawan at tamang timbang (ang obesity ay nakakapagpataas ng panganib ng fatty liver disease) bagkus nakakapagpabuti ng kondisyon ng ating atay.

ANG ACETAMINOPHEN

ATAY

ATING

GAMOT

KAILANGAN

LAGING

PAG

TYLENOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with