‘Road rage’ kapag ‘Holiday’
Patuloy na dumarami ang aksidente sa kalsada. Bakit kaya? Karamihan ay bunga ng pag-aaway, lalo na kung makakaengkuwentro ka ng “bad driver†sa daan. Ngayong papalapit ang mga holidays tiyak na hindi mo maiiwasan na makaengkwenrto ng mga ganitong uri ng nagmamaneho. Narito ang dapat mong gawin para makaiwas sa “road rageâ€:
Kumain ng peppermint candy o cinnamon stick – Sa pag-aaral ng Wheeling Jesuit University lumalabas na nakakapagpababa ng 20% ng pagod o stress ang pagnguya ng peppermint habang 25% na bababa naman ang nararamdamang frustration ng isang tao at 30% naman ang ibinibigay na alertness nito. Kaya kung magmamaneho ng mahabang oras, mas mabuting magbaon ng mga pagkaing gaya nito.
Magbigay suporta – Hindi naman nauubos ang kalsada, mas mabuting suportahan mo ang nais gawin ng iyong kapwa driver. Kung makikita mo siya na nais niyang pumasok sa iyong lane, bakit hindi mo na lang siya pagbigyan? Kung ang pagbibigay sa daan ang iyong kakaugalian, tiyak na hindi ka mai-stress sa pagmamaneho at mae-enjoy mo pa ito.
Mamalagi sa kanan – Karamihan ng driver ay ayaw manatili sa kanang bahagi ng kalsada lalo na kung ikaw ay nasa highways. Mababagal kasi ang mga sasakyang nasa ganitong lane at tiyak na uubusin ang iyong oras. Pero, sa totoo lang mas safe mamalagi sa lane na ito dahil makakaiwas ka sa mga agresibong drivers.
Kontrolin ang iyong sarili – Walang ibang kokontrol sa iyong emosÂyon kundi ang iyong sarili. At lalong hindi mo pupuwedeng kontrolin ang emosyon o ugali ng ibang drivers na makakasabay mo sa daan. Kaya naman dapat mong panatilihin ang iyong kalmadong pakiramdam para hindi agad makapatol sa mga salbaheng drivers sa daan.
Maging malikhain – Kung sa pakiramdam mo ay malapit ng uminit ang iyong ulo, bakit hindi lumikha ng mga nakakatawang bagay? Sabi nga “Laughter is the best medicineâ€. Puwede rin naman makinig ng music na makakakpagpakalma sa’yo.
- Latest