^

Para Malibang

‘Patay kayo, mga corrupt’ (16)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SA QUIAPO nagpabili ng umano’y pangontra sa multo ang tiwaling pulitiko; hahadlangan ng corrupt na ito ang paglapit ng pakialamerong ghost.

Habang naghihintay, isip nang isip ang pulitiko. “Ilan kaya ang mga buwisit na multong ‘yon? Baka marami, talagang target ang lahat ng…ng nagnakaw sa bayan…”

Ang pangit na pulitikong ito ay nangurakot noong ito’y gobernador pa ng lalawigan. Kasunod ay nanungkulan itong lawmaker at nakadekwat sa pondo ng higit sa 50 million.

Nang mapuwesto sa gabinete, tumiba naman ito sa mga illegal na tran­saksyon ng halagang hindi bababa sa 90 milyon.

Sa kabuuan ay nakakulimbat ito, nakadambong ng 170 milyones.

May kaso itong plunder na ewan kung kailan matatapos.

Pero umaasa ang napakatiwaling pulitikong ito na malulusutan nga ang kaso, pati na rin ang multo o mga multong pakialamero.

Walang kaalam-alam ang masamang pulitiko na iisa ang nakikialam na multo—si Arlene lamang.

KAUSAP na naman ni Mark ang nanay ni Arlene, alam na kaisa niya ito sa panalanging sana ay manahimik na sa kabilang buhay ang dalaga.

 â€œBase ho sa message niya sa laptop ko, wala siyang planong tumigil sa paniningil sa mga nandambong sa pera ng taumbayan.”

Napaluha na naman ang ina. “Mawawala siya sa grasya ng Diyos, Mark, kapag hindi niya tinigilan ang paghihiganti…?”

“K-Kung kayo ho kaya ang makiusap k-kay Arlene…?”

“Iyan nga ang iniisip ko, Mark. Pupunta ako sa simbahan ng Antipolo, doon ko siya kakausapin…nagpupunta kami doon tuwing birthday niya…”

DUMATING ang tauhan ng corrupt, na pinabili ng umano’y pangontra sa multo. “Ilabas mo agad sa supot, Juan, dali! Baka maunahan ako ng pakialamerong mga multo!”

Inilabas. Nanlaki ang mga mata ng corrupt. “Mga bawang at dahon ng banaba? Juan, natitiyak mong tama ang naibigay sa iyo?”

“Opo, ser! ‘Yang mga bawang, susunugin daw sa kawaling may olive oil saka kakaining parang mani. Ito namang dahon ng banaba, didikdikin saka iinumin ninyo ang katas.”

“Putrakla ka, Juan—ang alam ko’y kontra-aswang ang bawang! ‘Yan naman banaba, health drink pero hindi pambugaw ng multo!” ITUTULOY

 

vuukle comment

ARLENE

BRVBAR

DIYOS

HABANG

ILABAS

ILAN

INILABAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with