^

Para Malibang

Bakit ka tini-tagihawat? (2)

BODY PAX - Pang-masa

Ayon sa mga Dermatologists (spesya­lista sa balat) tinata­yang nasa three-quarters ng edad 11 hanggang 30  ay nagkakaroon ng acne. Maaaring maapektuhan ng tagihawat ang anumang lahi o edad. Karaniwang nagkakaroon ng tagihawat ang mga kabataan at mga nagbibinata at nagdadalaga. Bagamat maaaring maapektuhan nito ang babae at lalaki dahil sa testosterone na marami sa mga kabataang lalaki.

Anu-ano ang sanhi ng tagihawat?

 Walang nakakaalam sa eksaktong sanhin ng tigyawat. Ang mga eksperto ay naniniwala na ang dahilan ng tagihawat ay ang pagtaas ng level ng androgen. Isa itong klase ng hormone. Ang pagtaas ng level androgen ay nakapagpapalaki ng oil glands na nasa ilalim ng ating balat: ang paglaki ng gland ay nakakapagdulot ng mas maraming oil. Ang sobrang dami ng sebum ay nakakasira ng cellular walls sa ating pores na maaaring magdulot ng pagdami ng baktirya. Ang androgen level ay tumataas kapag ang isang tao ay naging ganap na adolescent na. May ilang pag-aaral na nagsasabing ang isang sanhi ng tagihawat ay maaring namamana o genetically inherited.

10 gabay upang maiwasan ang tagihawat

1. Panatilihing malinis ang ating mukha. Kahit na tayo ay meron o walang tagihawat, importanteng maghilamos ng mukha dalawang beses sa isang araw upang maalis ang dumi, dead skin, at sobrang dami ng langis sa ating mukha. Ang paghihilamos ng higit sa dalawang beses o mahigit pa ay hindi nakakatulong at maaaring magpalala pa ng problema sa ating mukha. Gumamit ng maligamgam na tubig at mild facial cleanser sa paghihilamos ng ating mukha.

ANU

ATING

AYON

BAGAMAT

GUMAMIT

ISA

KAHIT

KARANIWANG

TAGIHAWAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with