^

Para Malibang

Paano mo maiingatan ang iyong ngiti? Last Part

BODY PAX - Pang-masa

Ang lubusang nabuong ngipin ng isang bata ay permanenteng rekord ng kaugalian sa pagkain ng ina sa panahon ng pagdadalang-tao ng bata habang nabubuo ang ngipin sa ilalim ng gilagid. Humihinto ang pagtubo ng ngipin kapag ang isa ay malapit nang mag-20 anyos o bago mag-25 anyos. Natuklasan ng mga dentista na ang xylitol, isang likas na asukal, ay napatunayang nakatutulong sa pagkontrol sa nakapipinsalang baktirya ng plaque na nagdudulot ng pagkasira ng ngipin. May xylitol ang ilang chewing gum.

Mga Tamang Paraan ng pagsesepilyo

Maraming pamamaraan ng pagsesepilyo ngunit na marapat na tayo ay maig-ingat upang hindi mapinsala ang ating ngipin at gilagid. Narito ang ilan sa tamang gabay sa pagsesepilyo n gating ngipin;

 1. I-anggulo ang sipilyo nang mga 45 degree sa pagitan ng ating gilagid at ngipin. Huwag magsipilyo nang mariin. Sa pamamagitan ng maiikling hagod, magsipilyo mula sa pagitan ng gilagid at ngipin patungo sa ibabaw ng ngipin. Tiyaking nalinis ang loob at labas ng ngipin.

 2. Sa pamamagitan ng maiikli at palabas na hagod, linisin ang ibabaw ng ngipin.

 3. Upang malinis ang likuran ng ating mga ngipin sa harap, hawakan ang sipilyo nang halos patayo. Magsipilyo mula sa pagitan ng ating gilagid at ngipin hanggang sa ibabaw ng ngipin.

 4 Sipilyuhin ang dila at ngalangala.

Paggamit ng Floss sa Iyong Ngipin

Inirerekomenda ng mga dentista ang paggamit ng floss araw-araw at palaging pagsisipilyo ng iyong ngipin pagkatapos kumain.

 1 Itali ang isang hibla ng floss sa hinlalato ng bawat kamay, mag-iwan ng maliit na puwang sa pagitan ng mga daliri.

 2 Sa pamamagitan ng hinlalaki at hintuturo ng kamay, batakin ang floss. Para maisingit ang floss sa ngipin, hilahin ito nang pasulong at paatras.

 3 Ikaskas ang floss nang pataas at pababa sa gilid ng bawat ngipin. Maingat na isingit ang floss sa pagitan ng gilagid at ngipin, pero huwag itong idiin o iatras-abante sa mismong gilagid.

 

FLOSS

GILAGID

HUMIHINTO

HUWAG

IKASKAS

INIREREKOMENDA

IYONG NGIPIN

MGA TAMANG PARAAN

NGIPIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with