^

Para Malibang

Inis-talo sa gf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po ay 28 years old na at may gf. Apat na buwan na kami pero hindi ko maintindihan ang ugali nya. Kung minsan ay sweet pero madalas ay bugnutin. Nagtataka ako sa inuugali niya. Madalas ay humihingi siya ng mga bagay na imposible, na parang naglilihi. Naiisip ko tuloy na baka nanadya lang siyang inisin ako para ako na ang kusang makipag-break sa kanya. Dapat ko pa bang ituloy ang relasyon ko sa kanya? - Jeck

Dear Jeck,

Ang pusong nagmamahal ay handang magtiis. Kung tunay ang pagmamahal mo sa kanya, handa mong tiisin ang pagiging moody niya. Kausapin mo siya tungkol sa nagbabago niyang ugali. Baka naman sinusubukan ka lang niya kung hanggang saan ang pagmamahal mo. Pero kung sa pakiramdam mo ay hindi mo na ma-take ang kanyang mga “paglalambing”, tapatin mo siya. Kung mahal ka niya, hindi niya paglalaruan ang pag-ibig mo lalo na ang pagkatao mo. Walang masama kung sasabihin mo sa kanya ang bagay na ito.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

APAT

DAPAT

DEAR JECK

DEAR VANEZZA

JECK

KAUSAPIN

KUNG

MADALAS

NAGTATAKA

NAIISIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with