^

Para Malibang

Nagda-dalawang isip mag-pakasal

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Pakitago mo na lang ako sa pangalang Arielle. Dati akong may bf na mahal na mahal ko. Pero one year na kaming walang komunikasyon. Bigla siyang nawala at hindi nagpaalam. Ngayo’y nakatakda naman akong ikasal sa ibang lalaki. Mahal ko rin pero hindi kasing tindi nang pagmamahal ko sa una kong bf. Pero biglang nagbalik ang bf ko at hindi niya matanggap na ikakasal na ako. Mahal ko pa rin siya kahit iniwan niya ako ng walang paalam. Puwede ko bang kanselahin ang nakatakda kong kasal?

Dear Arielle,

Nasa sa’yo ang desisyon. Mas higit mong kilala ang kanilang mga ugali at pagkatao. Ang lalaking minahal mo nang totoo ay isang taong nawala nang hindi maipaliwanag sa iyo kung bakit ka nilayuan. Kung sa tingin mo’y liligaya ka sa piling niya, ikaw ang magpapasya. Kung minsan ang puso ay mandaraya. Gumagawa tayo ng padalus-dalos na desisyon na sa dakong huli’y magdudulot lang ng kabiguan. Future mo ang nakataya kaya habang may panahon pa ay pag-isipan mong mabuti at timbangin ang gaga­wing pasya kaysa magbago ang iyong isip kung kasal ka na.

Sumasaiyo,

Vanezza

BIGLA

DATI

DEAR ARIELLE

DEAR VANEZZA

GUMAGAWA

NGAYO

PAKITAGO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with