^

Para Malibang

Mister nakabuntis ng kinse-anyos

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Napakaselan ng problema ko at ilang araw na akong hindi pinapatulog. Itago mo na lang ako sa alyas Yeye. Ang problema ko ay nakabuntis ako ng isang 15 anyos na dalagita. Kasintahan ko siya pero hindi ako nagtapat na ako’y may asawa na at anak. Malaking poblema ko ngayon ito dahil mag-2 buwan na ang kanyang ipinagbubuntis. Hindi pa rin alam ng parents niya. Ang payo sa akin ng mga kabarkada ko ay ipalaglag ang sanggol pero natatakot ako. Ano ang gagawin ko?

Dear Yeye,

Kasalanan ang ipalaglag ang sanggol dahil buhay ang iyong kikitlin. Magpakalalaki ka at harapin ang responsibilidad. Hindi puwedeng ilihim yan habang buhay. Dahil may asawa ka at hindi mo puwedeng pakasalan ang menor de edad. Mangako ka na lang na susustentuhan mo ang bata. Pero ang kakausapin mo ay ang mga magulang niya. Kung idemanda ka nila ng “statutory rape”, wala kang magagawa kundi kumonsulta na sa abogado. Maging aral sa’yo na ang pangangaliwa ay hindi nagdudulot ng mabuti. Maaaring masira ang pagsasama ninyong mag-asawa at mawasak ang pamilya. Kawawa rin ang babae na iyong pinapaasa dahil kinabukasan niya ang nasisira. Sakaling malaman ng iyong misis, humingi ka ng tawad at harapin ang maaaring ibunga ng iyong ginawa.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

DAHIL

DEAR VANEZZA

DEAR YEYE

ITAGO

KASALANAN

KASINTAHAN

KAWAWA

MAAARING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with