^

Para Malibang

‘The Kiss’ (36)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

TULOG na tulog ang mga tao sa Pugad-Lamok. Nakakulambo ang magpapamilya; malamok talaga sa kanilang barangay.

Walang pumansin sa ingay ng mga aso sa kalyeng madilim.

 Growwll! Awrrlll. Kaw-kaw-kaww!

Si Natalie na binuhay ng halik ng vampire ay awtomatikong dumepensa—binali ang leeg ng asong nasunggaban.

Kra-aa-laak. Lumagutok ang buto ng sawimpalad na aso.

Ang dalawa pang asong kalye ay nabahag ang buntot, kumaripas nang palayo sa tila tulalang katauhan ni Natalie.

Inilapag niya ang wala nang buhay na aso, sa gitna ng kalye.

May matandang lalaking nagising para manubig. Napaigtad ito sa nabanaagan sa daan.

Hinagilap ang salaming de-grado, nais matiyak ang nakita.

Nanindig ang balahibo nito nang maunawaan kung ano ang inaway at tinakasan ng mga aso. “Panginong mahabagin…i-isang white lady…”

Naudlot ang panunubig ng matanda. Pinigil ang bibig na mapasigaw; nanaig  ang matinding takot sa babaing nakaputi.

Nakasayad ang mga paa ng white lady sa lupa. Kung gayo’y hindi pala multo?

Nagsisigaw na ang matandang lalaki. Pero walang tinig na lumabas sa bibig. Anas lamang. “Aa…aa-aa…”

Naramdaman ito ni Natalie, nilingon ang matandang lalaki.

Tinitigan, pilit inisip kung bakit ito natatakot. Wala pa ngang sapat na isipan ang bangkay na binuhay ni Vincento.

HILA ng vampire sa kamay ang nagpipiglas na kaluluwa ni Natalie. Naamoy na nito ang kinaroroonan ng pakay.

“Kaluluwa, nasa Pugad-Lamok ang katawan mong buhay! Nananakot ng matandang nagwiwiwi!”

Namatay sa takot ang matandang lalaki, dilat ang mga mata.

“Dalian mo, kaluluwa! Dapat na kayong magsanib ng katawan mo! Bukas ay bilog na ang buwan!” Halos kaladkad na ng vampire ang ispiritu.

ANG SASAKYAN nina Sam at Father Renzo ay mabilis nang papasok sa Pugad-Lamok. “Father, talasan po natin ang mga mata! Pakiramdam ko’y nasa malapit na si Natalie!” 

(ITUTULOY)

 

 

 

 

vuukle comment

AWRRLLL

BUKAS

DALIAN

DAPAT

FATHER RENZO

NATALIE

PUGAD-LAMOK

SI NATALIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with