Gustong umatras sa kasal
Dear Vanezza,
Isa akong medical representative at kung saan-saang lugar napupunta. Sa bawat lugar na puntahan ko ay nagkakarooon ako ng gf. I’m 31 years old na pero binata pa rin at sa dinami-dami ng mga naging siyota ko ay parang hindi ko pa nararamdaman ang tunay na pag-ibig. Dahil nagkakaedad na ako at gusto nang lumagay sa tahimik, pinilit ko na lang ang aking sarili sa isang babaeng nakilala ko sa Davao. Pinakamaganda siya sa aking mga naging nobya pero gaya ng iba, parang “sex†lang ang gusto ko sa kanya. Sa kabila nito, niyaya ko siyang magpakasal at pumayag naman. Habang nalalapit ang kasal namin ay nagsasalawahan ako dahil hindi ko pa rin ma-feel ang true love. Dapat ko bang ituloy ang pagpapakasal? - Mr. Dream Boy
Dear Mr. Dream Boy,
May pag-ibig na natututunan o nadedebelop, mayroon din namang hindi. Kung hindi mo tiyak kung mahal mo o hindi ang babae, makabubuting kanselahin mo na lang ang kasal. But then, may masasaktan kang tao. Hindi lang ang iyong gf kundi pati mga kaanak niya. Ikaw lamang ang puwedeng makapadesisyon niya kaya maaga pa’y siguruhin mo na kung ano ba talaga ang gusto mong gawin?
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest





















