Bakit ka pumapangit?(2)
Ito ay huling bahagi ng paksa para malaman mo kung anu-anong bagay ang nagbibigay ng hindi magandang aura sa iyong mukha. Narito pa ang ilan:
Pagpapa-tan – Mas nakakapagpaputi ng ngipin ang kulay brown o kayumangging balat. Pero, “worth†ba ito kung makakakuha ka naman ng sakit sa balat gaya ng cancer? Kaya kung sa tingin mo ay mabibilad ka sa araw, maglagay agad ng sun block para maprotektahan ang iyong balat at hindi ka umitim ng husto.
“Dark lipsticks†– Habang nagkakaedad ang babae, nawawala ang mapula at maumbok na labi nito. Kaya kung gagamit ka pa ng dark color na lipstick, lalong ninipis tingnan ang iyong labi at mas tatanda kang tingnan. Dapat na gumamit ng medyo red o bright shade ng lipstick para magmukhang bata.
Maayos na kilay – Bakit hindi ka gumamit ng eye brow pencil o kaya ay powder para mas maÂging makapal at maayos tingnan ang iyong mga kilay. Kung sabog-sabog kasi ang kilay mo, hindi ka na maganda, tumatanda ka pang tingnan.
- Latest