^

Para Malibang

‘The Kiss’ (23)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

MULING napahagulhol si Tita Clara habang isinasakay na sa kotse si Sam. “Paano kung hindi na makabawi sa shock ang Sam na ‘yan, ha, Tony? Huwag nating iasa sa kanya ang kapalaran ni Natalie!”

“Clara, huwag mong sarhan ang pinto kay Sam. Siya ang tanging nakakaalam kung ano ang nangyari sa anak natin,” giit ni Tony.

“Tama si Tony, Clara,” pahayag ni Father Renzo. “Hanapin natin si Natalie pero lagi tayong bukas sa pagbabalik ng diwa ni Sam.  Naniniwala akong siya ang susi ng hiwagang naganap sa musoleo.”

“Hu-hu-hu-huuu. Baka kumakain ng tao ang Sam na ‘yan! Baka kinain niya nang buo si Natalie kaya nawala!”

“Clara, napakaimposible ng sinasabi mo. Kahit baliw na umiibig kay Natalie itong si Sam, hindi naman siya cannibal. Mabait siyang binata, we know that.” Niyakap ni Tony ang asawa. “Huwag mong hayaang ikaw naman ang mabaliw, please…”

Sakay ng kotse nina Tony at Clara si Sam. Sa likurang upuan nakaupo ang binata, kasama si Father Renzo. Payapa si Sam kahit tulala o nasa state of shock, hindi kailangang itali.

Ang kotse ni Sam at ang owner-jeep ng pari ay naiwan muna sa harap ng musoleo.

Sa psychiatrict ward ng ospital nila dinala si Sam. Nangako ang pari na imo-monitor ang lagay nito.

 â€œClara, Tony, ako na ang magbabalita sa inyo kung bumuti na ang kundisyon ng utak ni Sam. Meanwhile, dapat sigurong magpatulong na tayo sa maykapangyarihan, sa paghahanap sa bangkay ni Natalie…”

KUNOT-noong nilisan ng parents ni Natalie ang ospital. Nagbalik sila sa musoleo para ituloy ang paghahanap kay Natalie.

Siniyasat nilang paulit-ulit ang kabaong na walang laman. Naghahanap ng anumang clue.

Pati ang kisame ay pinasok at tinanglawan ni Tony. Posible Raw na doon itinago ni Sam ang bangkay ni Natalie.

Nanlumo sila, bigumbigo. Wala talaga sa musoleo si Natalie. “Not a trace, Clara…”

“Tony, huwag tayong maniwalang nabuhay si Natalie. May dumukot lang talaga sa bangkay niya,” luhaang sabi ni Clara.

SI NATALIE ay buhay pero tahimik na tahimik, kasama ng lalaking  dayuhan, nasa abandonadong simbahan sa gulod. (ITUTULOY)

 

vuukle comment

CLARA

FATHER RENZO

HANAPIN

HUWAG

NATALIE

POSIBLE RAW

SAM

TITA CLARA

TONY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with