^

Para Malibang

Para maging malinis ang iyong ‘work place’ (1)

Ms. Jewel - Pang-masa

Mas masarap magtrabaho o mag-isip kapag malinis ang iyong kapaligiran. Maaliwalas kasi ang iyong pakiramdam kaya magaan mong nararamdaman ang mga positibong bagay sa iyong paligid. Pero, marami rin tao na nahihirapan panatilihin ang malinis at maayos na lugar ang  kanilang ginagalawan. Narito ang ilang paraan upang maging maayos ka sa iyong mga gamit:

Maruming lamesa – Kung sa tingin mo ay maliit ang espasyong iyong ginagalawan, lalo na ang iyong lamesa, dapat mo talagang ayusin ang lahat ng nakalagay dito. Bakit hindi mo subukan na ilagay lahat ng iyong mga naka-pending na gawain sa kaliwang bahagi ng iyong lamesa at ang lahat naman ng iyong mga natapos na trabaho sa iyong kanan. Sa ganitong paraan, madali mo ng mahanap ang mga bagay na kailangan mo pang harapin. Maglagay din ng “waiting on pile” kung saan dito mo naman ilalagay ang mga trabahong kailangan mong sagutin sa lalong madaling panahon.

Tiyakin mo rin na malinis ang mga folder na paglalagyan mo nito, para agad na makita kahit sa isang tinginan lang.

Pagbubukod – Para mas maging madali sa’yo makita ang lahat mong trabaho, dapat ay pagbukud-bukurin ang mga dokumentong hindi importante at mga papel na importante. Dahil dito, tiyak na hindi mo mawawala ang mga mahahalagang bagay na dapat na nakatago.

Gamitin ang iyong “wall space” – Para sa mas malinis na “work place”, bakit hindi mo gamitin ang mga espasyo ng pader na katabi ng iyong lamesa? Maaari mo itong lagyan ng cork board para dito mo na lang ididikit ang mga papel na ginagamit mo bilang reminder.

(Itutuloy)

BAKIT

DAHIL

GAMITIN

ITUTULOY

IYONG

MAAARI

MAALIWALAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with