^

Para Malibang

‘The Kiss’ (20)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“FATHER RENZO, nasisiraan na yata ho ng ulo si Sam. Lumalala ang mga sinasabi niya tungkol kay Natalie. Ngayon nga ho, ang sabi’y nabuhay ang aming anak…” sabi ni Tito Tony.

“Father, dapat na yatang dalhin sa mental si Sam.” Napapailing si Tita Clara. “ Baka ho sunod, sasabihin na niyang naging bampira na si Natalie.”

“Magsihinahon kayong mag-asawa, Tony, Clara. Kaya nga tayo narito, para alamin ang tutoo. Nangako si Sam sa akin—siya mismo ang magpapa-confine sa sarili niya sa mental kapag mali ang kanyang balita…”

Natigilan ang mag-asawa. Ibig bang sabihi’y posibleng totoo ang sinabi ni Sam—na nabuhay nga ang kanilang anak?

Tok-tok-tokk. Si Tito Tony ang sunud-sunod na kumatok. “Sam, buksan mo ito!”

Walang sumasagot; walang nagbubukas ng pinto. Tok-tok-tokk.

Nanatiling tahimik sa loob ng musoleo. Nagsimula nang kabahan ang mag-asawa. “F-Father, baka kung ano na ang—”

“Sam, iho, si Father Renzo ito. Kasama ko ang parents ni Natalie…”

Nang 5 minutes pa at wala pa ring nagbubukas ng pinto, ginamit na ni Tito Tony ang sariling mga susi.

Nabuksan ang pinto ng musoleo. Narinig ang langitngit. Kre-e-ekk.

Madilim sa loob. Hindi nila makita si Sam at ang lahat ng bagay doon.

“Sam? Bakit wala man lang ilaw? N-Nasaan ka ba?” Kapit-kamay ni Tito Tony si Tita Clara. Si Father Renzo ay kasunod.

Nagsindi ng lighter si Tito Tony. Klik.

Lumiwanag sa loob ng musoleo.

“Oh my God! Si Sam! Saaammm!” Napasigaw si Tita Clara. Sina Tito Tony at Father Renzo ay nagitla.

Nakaupo si Sam sa tabi ng kabaong na walang laman. Dilat ang matang blangko ang tingin. Tulala ang binata.

“Sam, ano’ng nangyari?  Saan mo nilagay ang bangkay ni Natalie?” magkasunod na tanong ni Tito Tony.

Hindi nakakarinig si Sam, tulala pa rin.

 Nasaan na si Natalie? Hindi nila makita si Natalie. Panay ang dasal ni Father Renzo.  Ang kilabot ay sumasakop sa kanila.

(ITUTULOY)

vuukle comment

FATHER

FATHER RENZO

NATALIE

SAM

SI FATHER RENZO

SI SAM

TITA CLARA

TITO TONY

TONY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with