^

Para Malibang

‘Love is sweeter the second time around’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa akong public school teacher at maituturing ng matandang dalaga sa edad na 48 years old. Noong 23-years old ako ay nagkaroon ako ng bf. Siya ang first serious relation ko. Kaso, hindi kami magkapalad talaga dahil napikot siya ng ibang babae. Nasaktan ako at simula  noon ay isinubsob ko na lang ang sarili ko sa pagtuturo para makalimot. Pero nagulat ako isang araw ng may dumalaw sa akin na mamang kalbo. Nang titigan ko’y nakilala ko siya, ang aking ex-bf. Nagkumustahan kami at nasabi niya na namatay na ang kanyang asawa. Hindi nagtagal ay nag-propose siyang muli sa akin. Gusto niya akong pakasalan.

Pero parang naaalangan na ako sa edad namin ngayon. Siya ay 55-anyos na. Pero aaminin kong nadarama ko na love ko pa rin siya. - Isay

Dear Isay,

May kasabihan na love is sweeter the se­cond time around. Why not accept his proposal? It’s time for you to be happy.

Kahit pareho kayong may edad na, you deserve a second chance sa inyong naudlot na lovelife. Kung mahal mo pa rin siya, bigyan mo siya ng pagkakataon to make up sa nagawa niya nung mapikot siya ng babaeng napangasawa niya.

Hangga’t wala kayong masasaktan at masasagasaan, walang dapat na ipag-alangan sa inyong planong lumigaya. Sabi din ng matatanda, sa kinahaba-haba ng prusisyon sa altar din ang destinasyon.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

DEAR ISAY

DEAR VANEZZA

HANGGA

ISA

ISAY

KAHIT

KASO

NAGKUMUSTAHAN

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with