^

Para Malibang

‘Virginity’ lang ang habol

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Ileen, 23, dalaga pa. Mula pagkabata ay iminulat na kaming magkakapa­tid sa pagiging relihiyoso at may pagpapahalaga sa pagkadalaga ng isang babae. Dumating ako sa edad na ito na isa pang virgin. Ang problema ko ay ang aking bf na very persistent na may mangyari sa amin. 2 months pa lang kami pero isang buwan na siyang nangungulit at nitong huli’y nag-warning siya. Makikipag-break siya sa akin kapag hindi ako pumayag. Dapat ko ba siyang pagbigyan?

Dear Ileen,

Halatang virginity mo lang ang habol ng bf mo. Hindi mo pa nga siya lubos na kilala ay masyado na siyang mapangahas. Ang isang maginoong lalaki ay hindi namimilit at nagbabanta kung hindi mapagbibigyan sa gusto niya. Kapag ipinaubaya mo sa kanya ang iyong virginity, maaring muli niya itong hingin at baka dumating ang araw na magsawa siya at iwan ko. Ang mas masaklap, baka mabuntis ka ng wala sa panahon. Ikaw ang talo dahil ikaw ang nawalan. Kaya hindi ka dapat nagpapasindak sa pananakot niya. Iningatan mo ang iyong pagkababae at kukunin lang niya sa napakadaling paraan.  Mag-isip ka rin.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

DAPAT

DEAR ILEEN

DEAR VANEZZA

DUMATING

HALATANG

IKAW

ILEEN

ININGATAN

KAPAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with