^

Para Malibang

‘The Kiss’ (18)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

TUMITIG kay Sam si Natalie, nasa mukha ang pagtutol sa sinabi ng binata. Sabi ni Sam, hindi pa dapat lumabas ng musoleo si Natalie—dahil mabubulabog daw ang mga tao.

“Isipin mo, Natalie, ikaw ay nabuhay after ten years. Ten years kang namatay, sweetie…Sinong tao ang basta tatanggap sa hiwagang iyon?” mahabang paliwanag ni Sam sa nobya.

Nakatitig pa rin kay Sam si Natalie, nakala­rawan pa rin sa anyo ang pagsalungat sa pahayag ng binata.

Pero ayaw makipagsapalaran ni Sam. “Listen up, Natalie. Ngayundin, papupuntahin ko rito ang parents mo, pati si Father Renzo…Magpupulong kami rito tungkol sa dapat gawin sa iyo…”

Naupo sa isang sulok si Natalie, tingin ni Sam ay nagtatampo ito.

Tinawagan muna ni Sam sa cell phone ang parents ni Natalie. “May nangyayari na naman po dito sa musoleo…”

“Ano’ng nangyayari diyan, Sam?” kina­kabahang tanong ng mommy ni Natalie. “May kinalaman na naman ba sa anak ko?”

Napabuntunghininga ang binata, tinapunan ng tingin si Natalie. “O-Opo, Tita Clara…s-si Natalie po ang involved na naman.”

Kinalaban ng ginang ang tensiyon. Ibinigay sa mister ang telepono. “Tony, ikaw ang kumausap kay Sam. May prublema na naman daw sa musoleo, kay Natalie.” 

“What is it this time, Sam?” madiing tanong ng daddy ni Natalie. “D-Dalawang bagay po ang dapat ninyong malaman, Tito Tony…”

“Go on…”

“Ang una po-- na ewan kung inyong paniniwalaan—n-nabuhay po si Natalie…’

“Putrakla ka, Sam! Nababaliw ka na!” sigaw ng ama ni Natalie. “Nag-iilusyon ka na naman!”

Inaasahan na ni Sam ang ganitong reaksiyon ng mga magulang ni Natalie. Hindi maniniwala ang mga ito hangga’t hindi nakikita sa personal ang dalaga.

“Lumabas ka na sa musoleo, ngayundin, Sam! Huwag mo nang gambalain ang pananahimik ng anak ko!”

“Tito Tony…ang pangalawa pong dapat ninyong malaman—nais po ni Natalie na lumabas n-ng musoleo…”  Lalong nagalit ang ama ni Natalie. “You’re crazy!” (ITUTULOY)

vuukle comment

ANO

BRVBAR

D-DALAWANG

FATHER RENZO

HUWAG

NATALIE

SAM

TITA CLARA

TITO TONY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with