‘The Kiss’ (13)
NANGALISAG ang balahibo ni Sam, sagad ang kilabot. Nagmulat kasi ng mata ang bangkay ni Natalie, nakatitig sa binata.
“A-aa-aah…†Hindi siya makasigaw, hindi makagalaw.
“Uuunnn.†Nahimatay ang binata.
Ewan kung gaano katagal siyang nakabulagta.
Tok-tok-tokk. May kumakatok sa pinto, sa labas ng musoleo.
Ang katok ang nagisnan ni Sam. Bumangon agad ang binata, hilo.
Naalala ang pagbukas ng mata ni Natalie. Pinakiramdam niya ang kabaong. Naroon pa ba ang bangkay ni Natalie?
Tok-tok-tokk.
Hindi na siya dapat pagapi sa takot. Ipinasya ni Sam na lapitang muli ang kabaong; handa siyang makipagtitigan kay Natalie.
“Sam, ang parents ito ni Natalie! Buksan mo ang pinto, iho!â€
Nabuhayan siya ng loob. Pero kailangang tiyakin niya kung nasa kabaong si Natalie; kung ito’y nakabukas ang mga mata.
Naroon ang bangkay ng nobya. Nakapikit. Patay na patay.
Bumukas ang pinto ng musoleo. Ginamit ng parents ni Natalie ang sariling mga susi.
“Sam? Are you alright? Kanina pa kami…â€
“Nagmulat si Natalie ng mga mata a while ago, Tita Clara, Tito Tony…â€
“ANO?!†Hindi makapaniwala ang mga magulang ng dalaga.
“Nawalan ako ng malay-tao, sa takot…b-biglang-bigla ako…â€
Naliligalig na pinagmasdan ng mag-asawa ang anak. Ano ba ang pinagsasabi ni Sam?
“Sam, payapang-payapa si Natalie. Hindi siya humihinga. Hindi maaring magbukas ng mata…â€
Nagpakasumpa-sumpa si Sam na nagsasabi siya ng totoo. Na hindi siya nag-i-imagine lamang.
“M-may kakaibang experience si Natalie bago siya biglang namatay noon, Tito, Tita…â€
Ipinagtapat ni Sam ang tungkol sa lalaking nanghalik kay Natalie, na nangakong babalik after ten years—para muling hagkan ang dalaga.
“Paano kung vampire ho pala ang lalaking ‘yon? Baka malapit nang maging bampira si Natalie…†Litung-lito si Sam. (ITUTULOY)
- Latest