^

Para Malibang

Play girl ba siya?

Ms. Jewel - Pang-masa

Hindi lang mga lalaki ang minsan ay mapaglaro sa kanilang pag-ibig, sa totoo lang may mga babae din. Kagaya ng naging suliranin ng texter na si Dindo, 29. Palagi na lang  siyang nakakatagpo ng mga babaeng hindi pala seryoso sa kanilang “love life” at nais lang paglaruan ang kanyang emosyon. Paano nga ba malalaman  kung ang isang babae ay matatawag mong “play girl”.  Narito ang ilang paraan:

Malaki ang kumpiyansa sa sarili – Kung nakikita mong ang isang babae ay may mataas na kumpiyansa sa kanyang sarili, posibleng tini­tingnan niya ang pakikipag-“flirt” sa’yo bilang laro lamang at hindi naman talaga siya may gusto sa’yo. Pero, hindi rin naman ibig sabihin nito ay nais niyang saktan ang iyong damdamin. Maaring sadyang “flirt” lang siya. Ngunit hindi lahat ng  babae na may gusto sa isang lalaki ay kayang magpakita ng motibo, dahil karamihan sa mga babae ay nahihiya sa oras na nasa paligid niya ang lalaking kanyang nagugustuhan, kahit gaano pa kataas ang kanyang kumpiyansa sa sarili. Kaya dapat mo pa rin timbangin kung ano ang kanyang karakter at pag-uugali. Siya ba ay propesyunal na “Flirt” o isa lang pangkaraniwang babaeng may  kumpiyansa sa sarili?

Itinatanggi ba niya ang inyong relasyon sa kanyang mga kaibigan at ibang tao? – Normal sa isang babae ang magkuwento ng kanyang “love life” sa kanyang mga kaibigan. Kahit “crush” pa lang niya ito ay kinikilig na itong nagkukuwento sa iba. Pero, kung mababalitaan mong itinatanggi niya sa ibang tao, lalo na sa kanyang mga kaibigan ang inyong relasyon, dapat ka ng mag-isip, dahil malaki ang posibilidad na nais pa niyang magpaligaw sa iba at maghanap ng ibang makakarelasyon. Sa makatuwid, ito ang tunay na “play girl”.

 

BABAE

DINDO

ITINATANGGI

KAGAYA

KAHIT

KANYANG

KAYA

LANG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with