^

Para Malibang

Erotic Dancing (1)

MAINGAT KA BA!? - Miss S - Pang-masa

Ang erotic dance ay ang klase ng pagsasayaw  kung saan ang layunin ay para ma-arouse ang nanonood.

Kadalasang inuugnay ito sa mga bar, ‘strip tease’ club at iba pa. At ang kadalasang gumagawa nito ay mga tinatawag na prostitutes dahil sa mga ganitong uri ng lugar madalas sinasayaw ang erotic dance.

Kadalasan ‘provocative’ o sexy ang kasootan o di kaya naman ay kakapiraso lang ang suot (panty at bra lang minsan).

Ngunit mayroong mga erotic dance na itinuturing na expression ng art at  human sexuality.

Sa ngayon ay ay may mga exotic dance na ginagamit ding ng exercise tulad na lang ng pole dancing.

Ngunit may mga sayaw na talagang malaswang tingnan.

Ang pagsasayaw ay isa nang sport ngayon na tinatawag na dancesport.

Kadalasan sa dancesport competition, sexy ang mga kasootan ng mga babae ngunit hindi malaswa.

May mga uri ng sayaw sa dancesport tulad ng mga latin dance na salsa, samba, rumba, paso doble, tango at iba pa na nahahaluan ng exotic dancing bilang expression ng art.

May mga sayaw na sadyang malaswa at ginagawa lamang sa mga pub, club o bar na ang talagang ang layunin ay akitin ang mga lalaking customer tulad ng mga sumusunod:

•   Cage dance-  ang erotic dance kung saan nasa loob ng hawla o cage ang babae na karaniwan na rin sa mga night clubs sa ibang bansa.

•   Go-go dance-  Ang sayaw na ginagawa ng mga agogo dancers sa mga lamesa sa mga bar.

•   Hoochie coochie-Ito ang sexually provocative belly dancing.

•    ito ang sayaw kung saan dahan-dahan at isa-isang hinuhubad ng dancer ang kanyang mga damit. Ang tawag sa sumasayaw ay stripper.

•   Pole dance- dating karaniwan ito sa mga club na ginagawa ng mag dancer sa isang pole ngunit ngayon ay kilala nang  isang art ng sayaw. Ito ay kombinasyon ng pagsayaw at gymnastics sa isang pole kaya popular na rin itong isang exercise.

•   Bubble dance- ito ang pagsayaw ng striptease o minsan ay hubad na sa bula.

•   Fan dance- ito a isang sayaw gamit ang mga pamaypay kung saan tinatakpan ang mga hindi dapat makita habang sumasayaw.

•   Gown-and-glove dance- Karaniwang nakagown at naka-gloves ang babaeng sumasayaw at isa-isa niya itong huhubarin sa mapang-akit na paraan.

•   Lap dance- ang karaniwang sayaw sa ilang strip clubs  kung saan nakaupo ang customer at sumasayaw sa harapan niya ang dancer.

•   Table dance- Ginagawa ang erotic dance sa ibabaw ng lamesa ng customer o sa ibabaw ng bar sa harap ng customer.

May mga sayaw din sa na ginagawa sa mga disco club na mapang-akit.

•   Grinding (dance)- ito ay isang uri ng sayaw kung saan halos magkadikit na ang katawan  ng mag-partner ay halos nagkikis-kiskisan na ang mga katawan sa pag-galaw.

·      Twerking – ito ang sayaw kyng saan niyuyugyog ng babae ang kanyang puwet nang nakatuwad na minsan na halos nakadikit na sa ‘harapan’ ng partner.

Ang twerking ang sinayaw ng Hollywood singer na si Miley Cyrus, dating Disney Channel child star, sa Video Music Awards na ikinagimbal ng lahat.

 

Siya ang dating kilalang Hannah Montana na sikat sa mga bata kaya nagulat ang lahat sa kanyang performance na naging malaswa sa paningin ng marami.

 

Ang exotic dance ay isang paraan para i-express ang sarili. Isa itong form ng art. Ngunit nagiging malaswa ito kung paano mo gawin, kung kanino mo ginagawa at kung saang lugar mo ginagawa.

vuukle comment

DANCE

ISANG

KUNG

NGUNIT

SAYAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with