‘Black Angel’ (43)
PAALIS na ang Black Angel sa sementeryo nang makita ang babaing naging kalaro sa kama; na sanhi ng aksidenteng pagkakapatay niya sa mister nito. Dadalaw sa puntod ng mister ang biyudang napakaganda pa rin.
Tinantiya niya ang sarili. Natiyak na hindi na siya nagnanasa; napalis na sa kanyang katauhan ang kamunduhan.
Payapa na siyang lumipad pahimpapawid.
Nadaanan niya ang kontrobersiyal na West Philippine Sea a.k.a. China Sea ayon sa mga lumang mapa.
Natanaw niya ang Panatag Shoal at iba pang mumunting islang pinag-aagawan ng maraming bansa sa Asya. Napailing ang Black Angel, naunawaang kaydaming problema sa mundo.
Ang napakalayong dagat na kinaroroonan nina Richard at Wendy ay binalikan ng Black Angel. Wala na ang sungit ng panahon sa laot.
Wala na rin doon ang magkasintahan. Pati ang rubber boat ay wala.
Nalamon na ba ng dagat ang dalawang mortal na labis nang nagsisi?
Ito ang isang bagay na hindi mahulaan ng Black Angel. “Si Lord lamang ang nakakaalam kung ano ang nangyari sa kanila.â€
Napapailing na nagpatuloy sa paglipad ang Black Angel. Ewan kung hanggang kailan siya mananatiling palipad-lipad na walang tiyak na uuwian. Ang Black Angel na tulad niya ay parang nasa limbo—neithere here nor there. Kapangapangarapan na niyang maging ganap na alagad ng Diyos.
SA LUNSOD, dalawang young adults—babae at lalake-- ang magkatulong na nag-withdraw ng halos lahat nilang savings sa bangko. Naglabi sila ng kaunti para sa sarili, perang hindi nadungisan ng kasalanan.
Ang malaking halaga—halos limang milyong piso—ay personal nilang ipinantulong sa mahihirap, hindi ipinadaan sa NGO.
Ilang ulit na silang nagpasalamat sa Diyos. Sa pagkakaligtas nila sa dagat; at sa ibinigay sa kanilang pagkakataong magbagong-buhay.
ARAW ng kanilang kasal. Tapos na ang seremonyas. Napaluha sila sa galak. “I love you, Wendy.â€
“I love you too, Richard.â€
Natanaw nila ang nakangiting guwapong may mga pakpak.
Ang Black Angel ay hindi na kulay itim. White Angel na. WAKAS
(Up Next: THE KISS)
- Latest















