^

Para Malibang

‘Black Angel’ (42)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“ANG DIYOS na ang bahalang magpasya,” bulong ng Black Angel habang nakatunghay sa pakikipaglaban nina Richard at Wendy sa kamatayan—sa gitna ng napakasungit na panahon sa dagat.

“Lord, hu-hu-hu-huuu! Maawa po Kayo! Huwag po muna ngayon!” ulit-ulit na dasal ni Wendy.

“Bigyan N’yo po kami ng chance na makapagsisi at makapagbago muna, Lord…” sigaw sa Langit ng binatang drug pusher.

Durog na ang puso ng Black Angel sa awa sa dalawa. Napaluha na ang itim na anghel.

Natagpuan ang sariling nananalangin na rin. “Iligtas N’yo po sila, Panginoon.  One more chance po sa kanila…”

Lumipad ang Black Angel palayo sa laot. Tumapat sa lugar ng mahihirap na biktima ng  nagaganap na landslides.

Sanhi ito ng dumaang bagyo sa kalupaan.

Dinig niya ang hiyaw ng mga kaanak ng mga biktima; ang daing ng mga naghihingalo sa gumuhong lupa.

Sagap lahat ito ng puso’t damdamin ng Black Angel.

 â€œDagdag ko po ito sa pagdurusa ko—bilang penitensiya, Lord—para po sa kaligtasan nina Richard...”

Gusto ring ipanalangin ng itim na anghel ang lahat ng nasa bingit ng kamatayan sa gumuhong lupa. Alam niyang higit sa impiyerno ang unti-unting kamatayan.

 Tuluyan nang naghahari sa puso niya ang pagbabalik-loob sa Diyos; ang pagpapakabanal.

“Dagdagan N’yo pa po, Panginoon, ang parusa sa aking mga kasalanan.  Gawin N’yo po akong karapat-dapat sa Inyong kaharian.”

Hindi rin nakaligtas sa paningin ng Black Angel ang asong gala na naipit sa gumuhong bato; naghihingalo rin ang kawawang aso.

“Hu-hu-hu-huuu.” Lalong dumurog sa puso ng itim na anghel ang scenariong ito. Noong nabubuhay pa bilang mabuting pari, kinukupkop niya ang mga pusa at asong abandonado.

Napatunayan niya—ang pusong nagmamahal ang labis na nasasaktan.

Sumunod, dinalaw ng Black Angel ang libingan ng lalaking kanyang napatay—ang mister ng babaing na­ging kalaro sa kama.

Muling humingi dito ng patawad. “Ikinalulungkot kong nabaril kita at napatay, Ted…Labis kong pinagsisisihan ang nagawa ko…” (TATAPUSIN)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

ALAM

BIGYAN N

BLACK ANGEL

DAGDAGAN N

GAWIN N

ILIGTAS N

PANGINOON

WENDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with