^

Para Malibang

‘Black Angel’ (41)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HINDI lang parang bangkang papel na inaanod ang rubber boat na sinasakyan nina Richard at Wendy. Sa laot ay sinisiklot sila ng mga higanteng alon na may kasamang malakas na hangin at unos.

Hinahagupit sila ng sama ng panahon, ng isang papalapit na bagyo.

“Eeeee! Richard, mamamatay tayo ritooo!”

Magkayakap sila nang mahigpit. Minsan pang natawag ang lahat ng santo at santa; sinasambit na rin ang ngalan ng Diyos.

“Lord, Thy will be done po…pero baka puwedeng huwag po muna N’yo kaming kunin…huwag po muna…” taimtim na dasal ni Richard.

Maging si Wendy ay sagad ang panalangin. “Handa po kaming magpakabuti na, Lord…please, please po, tulungan N’yo kaming malusutan ang  kamatayan…hu-hu-hu-huuu.”

“Ipinangangako ko pong ititigil ko na ang pagtutulak ng droga, Lord. At hindi na po ako magiging instrument ng mga drug lords…”

Lalong nagsungit ang panahon. This time, hinahampas at ibinabato na yata ng mga  higanteng alon ang kanilang rubber boat.

Sampung ulit na mas nakayayanig ng katauhan kaysa sa roller coaster rides. Pakiramdam nila’y katabi na nila si Kamatayan.

“Aaaahhh!  Eeeeee!” sigaw-tili nila. Ang katatagan ay naglaho; nanaig ang matinding takot.

 â€œLord Jesus…hindi na po ako magiging sob­rang material girl…magsasariling-sikap po ako para mapaunlad ang kabuhayan namin ng parents ko…hindi na po ako parang linta na sipsip nang sipsip ng pera kay Richard…”

May isang nasa itaas na naapektuhan agad ng sinserong panawagan ng magkasintahan. And it is not necessarily the saints in heaven.

Ang Black Angel. Na-touch ito nang husto. Dama nitong sa kuko ng kamatayan, natutong magbalik-loob sa Diyos ang dalawang mortal.

Tumingala sa langit ang Black Angel habang patuloy sa paglipad. Siguro’y nais alamin ang magiging kapalaran nina Richard at Wendy.

“Panginoon…marapat na po ba silang tulu­ngan…?”

Tulungang makaligtas sa sungit ng dagat at bagyo, ibig sabihin ng itim na anghel..

Pero iginalang niya ang magiging pasya ng Langit. (2 LABAS)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

AAAAHHH

ANG BLACK ANGEL

BLACK ANGEL

BRVBAR

DIYOS

LORD JESUS

LORD. AT

WENDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with